• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpagupit sa well-known hair salon: MAINE, iniyakan at tila pinagsisihan ang kanyang short haircut

SA latest X post ni Maine Mendoza-Atayde, parang nagsisisi raw ang asawa ni Cong. Arjo Atayde sa pagpapagupit ng maikli sa ibang bansa.
Ayon sa post ng host ng ‘Eat Bulaga’, “When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the [sparkle emoji] experience and spontaneity [spakle emoji] only to regret it later.”
Sa tiktok post naman ni Maine, “Post ko pa din, for the occasional Tiktok content [single tear emoji].”
Komento naman ng netizen bumagay daw kay Mrs. Atayde ang bagong hairstyle:
“ANG GANDAAA BAGAYYYY [smiling face with heart eyes emojis]”
“It’s actually not that bad, it will quickly grow back…for a minute there I thought you had a pixie haircut.”
Inamin naman ni Maine ang kanyang pagkadismaya at may isang fan ang nagsabing, “I like your long hair before @mainedcm…pahabain mo nalang ulit plzzzz…[blushing happy face emoji]”
Nag-reply ang TV host/aktres, “I like my short coz it’s so light (but not this short ha), and tbh i don’t think magpahaba pa ako ever [peace sign emoji].”
Say pa ng isang netizen na nagulat din sa nakita, “Ang iksi na ng hair mo!” kasama ang selfie picture ni Maine na parang umiiyak.
“Alam ko po iniyakan ko na nga diba [crying emoji].”
Sabi naman ng iba, mabilis lang naman humaba ang buhok, walang dapat ipag-alala si Maine at kanyang fans sa naturang short haircut.
***
DAMHIN ang tunay na kaligayahan at pambihirang saya sa pamamagitan ng pag-tune in sa sikat na musical variety at talk show ng GMA Network.
“Masaya Dito!” ay ang pinakabagong campaign ng GMA Entertainment Group na nagtatampok ng “All-Out Sundays,” “Sarap ‘Di Ba?,” “TiktoClock,” “The Clash,” at “The Voice Kids.”
Pagkatapos ng mahabang linggo, masisiyahan ang mga manonood sa makabuluhan at masasayang pag-uusap, kakaibang feature, at food trip na ideya sa “Sarap ‘Di Ba?”
Nagsasama-sama rin ang mga pamilya at kaibigan para sa isang musical bonding sa “All-Out Sundays” bago salubungin ang isa pang linggo sa trabaho at paaralan.
Naghahatid din ang GMA ng taos-pusong kagalakan sa “TiktoClock” kung saan ang mga tao ay nagsasaya at nanalo ng mga kapana-panabik na papremyo nang sama-sama.
Samantala, sa paparating na talent reality show na “The Clash” at “The Voice Kids,” ang mga aspiring singers ay matutuwa sa pag-abot ng kanilang mga pangarap!
Bilang bahagi ng “Masaya Dito!” campaign, maggu-guest ang Kapuso stars sa mga programa ng bawat isa para magpakalat ng positivity at good vibes. Manatiling nakatutok bilang Carmina Villarroel, kasama ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, sasali sa nakakakilig na mga laro sa “TiktoClock.”
Ang “The Clash” Masters Kapuso Total Heartthrob Rayver Cruz at Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, kasama ang isa sa “The Clash” Panel, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, ay magpapakalat ng saya sa “All-Out Sundays.”
Makakasama rin nila ang “The Voice Kids” host at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, kasama ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas sa pamamagitan ng isang espesyal na video performance.
Magtatanghal din sa entablado ng AOS ang “TiktoClock” hosts na sina Pokwang, Faith Da Silva, Herlene Budol, Rabiya Mateo, at Jayson Gainza, kasama ang guest co-host na si Donita Nose.
Ito ay tiyak na isang star-studded at nakakaaliw na Summer dahil ang GMA Entertainment Group ay patuloy na nagbibigay ng pinakamagandang karanasan sa mga manonood!
Dahil naniniwala ang GMA na laging masaya ang magkasama sa bonding, usapan, winning moments, at sa pagkamit ng mga pangarap!
Kaya talagang Masaya Dito!
(ROHN ROMULO) 
Other News
  • Vice Ganda, isa sa nag-comment at sobrang excited: PAOLO, perfect host ng ‘Drag Race Philippines’ at pinasilip na ang first look

    SI Paolo Ballesteros nga ang napili na mag-host ng “Drag Race Philippines” na magsisimula nang mapanood sa August 17.   Ni-repost ni Paolo ang official social media post na may caption na, “MABU-HEYYY! Meet your HOST of @dragraceph: @pochoy_29.     “Start your engines, #DragRacePH premieres August 17th on @wowpresentsplus worldwide (except Canada) and @cravecanada […]

  • MRT-3 naghain muli ng petisyon sa taas-pasahe

    NAGHAIN muli kahapon ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng petisyon para sa taas-pasahe sa Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr).     Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na siya ring officer-in-charge ng MRT-3, layunin ng petisyon na maitaas ang kanilang boarding fare sa P13.29, […]

  • Higit 922K naturukan na vs COVID-19

    Umabot sa 922,898 indibidwal ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa  Department of Health (DOH).     Sa naturang bilang, 64% o 872,213 ang nakakuha na ng kanilang  first dose ng bakuna, habang 3.7% o 50,685 ang nakakumpleto na ng dalawang dose.     Mayroon din uma-nong 2,670 vaccination sites sa buong bansa ang […]