Nagpapasalamat sa production na binusisi ang mga detalye: BARBIE, nalula sa mga papuri sa performance sa bagong GMA teleserye
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
PROUD daddy si Dennis Trillo sa anak nila ni Jennylyn Mercado na si Baby Dylan dahil natuto raw siyang maging isang hands-on parent.
Inamin ng bida ng GMA teleserye na ‘Maria Clara At Ibarra’ na hindi niya na-experience ang maging hands-on dad sa panganay niyang si Calix Andreas dahil sa ina nitong si Carlene Aguilar ito lumaki.
Ngayon daw ay kahit pagod siya sa kanyang trabaho, pag-uwi niya ay didiretso raw siya sa kuwarto ni Baby Dylan at tinitigan daw niya ito habang tulog. Kung gising naman daw ito, ihehele niya hanggang makatulog.
“Minsan kapag umuwi ako ng madaling-araw, diretso ako no’n mag-alaga. Kahit tulog na sila, itse-tsek ko kung kailangan palitan ng diaper, Natutunan ko lahat yan dahil kay Baby Dylan. Kasi nga, hindi ko nagawa iyon kay Calix noon. Ngayon lang talaga ako naging hands-on dad at mukhang okey naman ang ginagawa ko. Wala namang reklamo mula kay Jen!” tawa pa ni Dennis.
Kaya noong nag-lock-in taping sila ng dalawang buwan sa Ilocos Sur para sa ‘Maria Clara At Ibarra’, panay ang check niya sa kanyang mag-ina.
“Matagal akong nawalay sa mag-ina ko kasi. Tapos inabot pa kami sa taping ng bagyo at lindol. Ayokong mag-worry si Jen sa akin kaya parati akong may communication sa kanya. Kahit mahina minsan ang signal sa location namin, gumagawa ako ng paraan para makausap ko sila to say na okey kami sa location,” sey pa ni Dennis.
***
NALULA sa maraming papuri sa kanyang performance sa GMA teleserye na ‘Maria Clara At Ibarra’ ang Kapuso Drama Princess na si Barbie Forteza.
Sa unang episode pa lang ay nagpakita na ng husay si Barbie bilang si Klay, isang Gen Z working student na dala sa kanyang mga balikat ang hirap sa kanyang pag-aaral at sa kanilang tahanan. Para makapasa sa kanyang nursing course, kailangan niyang gumawa ng book report tungkol sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Isang gabi ay bigla siyang na-transport sa panahon kunsaan naganap ang mga nangyari sa libro at makilala niya ang iba’t ibang karakter nito.
Nagpasalamat si Barbie sa mga papuri dahil hindi raw madali ang ginawa nilang pagbuo ng isang historical portal fantasy. At dapat din daw purihin ang buong production ng teleserye dahil sa mabusising pag-alaga nila sa kahit na kaliit-liitan na bagay sa bawat eksena.
“Ang pinagpapasalamat ko na lang talaga ay nakabuo kami ng pamilya sa set namin na talagang very maalaga. From the program manager to the executive producer to the staff, to our director, lahat talaga, concern nila ang mga artista and ‘yung buong team, ‘yung lahat ng taong nagtatrabaho. ‘Yun lang din ‘yung pinagpapasalamat ko. It may be very challenging pero teamwork pa rin talaga ‘yung nanaig sa set namin.”
***
NAGKAROON na ng first public appearance si Adam Levine pagkatapos ng kinasangkutan niyang cheating scandal.
Nag-perform ang 43-year old Maroon 5 singer para The Shaquille O’Neal Foundation’s “The Event” fundraiser sa MGM Grand Garden Arena in Las Vegas. Kasama niyang nag-perform sina H.E.R., Maren Morris, John Mulaney at Pitbull.
I-announce din ni Levine na magkakaroon ng residency ang Maroon 5 sa Las Vegas na magsisimula sa March 2023 at M5LV The Residency.
Noong nakaraang buwan ay nabugbog sa social media si Levine dahil sa alleged affair niya sa isang model. Nagkataon pang buntis ang misis ni Levine na si Behati Prinsloo sa ikatlo nilang baby.
Ayon sa report ng Entertainment Tonight, inaayos na raw ito ni Levine sa kanyang misis: “Adam wanted to speak out as soon as possible so that any stories didn’t get out of hand. He wanted to confront everything head on and address things right away. He is embarrassed and recognizes that his actions were inappropriate. He’s trying to make things right with Behati and his family. Adam loves to get attention from women and crossed a boundary, but he’s telling Behati it will never happen again.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
ANGEL, labis ang pasasalamat sa ginawang tribute ng FDCP bilang isa sa ‘Cinemadvocates’; tatanggap din ng IVR Award sa ‘4th EDDYS’
NAGPASALAMAT si Angel Locsin sa ginawang tribute ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na kung saan isa siya sa ginawaran ng 2021 Cinemadvocates sa katatapos lang na 5th Film Ambassadors’ Night. Post ni Angel, “Thank you @fdcpofficial for this heartwarming tribute. “Masuwerte lang ako na meron akong @neil_arce na hindi ako pinapabayaan at laging nasa […]
-
Rest In Peace: Ligaya F. Callejo
Si Mrs. Ligaya F. Callejo, ay isinilang noong Marso 3, 1964 sa San Clemente, Tarlac. Siya’y masiyahin at mabait na Teacher sa kanyang mga estudyante, kapwa guro, kaibigan, lalo na sa kaniyang pamilya. Siya ay nagturo sa F. Serrano Sr. Elementary School sa Parañaque ng 29 taon. Subalit noong Setyembre 30, 2019 sa edad na […]
-
Pagpapasensiya ng mga Pinoy sa WPS dispute, umabot na sa limitasyon- Romualdez
UMABOT na sa limitasyon ang pagpapasensiya ng mga Filipino sa patuloy na agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Dahil dito, hindi sila basta-basta uupo na lamang at hayaan ang kanilang mga kababayan na magdusa. Sinabi ni Philippine ambassador to the United States (US) Jose Manuel Romualdez na iyon ang dahilan kung bakit sinang-ayunan […]