Nagpaunlak sa clean-up drive sa Batangas: ALDEN, nag-dive sa dagat para mangolekta ng mga plastik
- Published on March 29, 2023
- by @peoplesbalita
MAHUSAY palang sea diver si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards. Tinanggap ni Alden ang invitation ng “Century Tuna’s SOS (Saving Our Seas)” campaign for a better and cleaner world, together with his co-Century Tuna Superbods, for an ocean clean up drive in Batangas last Saturday, March 25 (kaya wala siya sa “Eat Bulaga”).
Ginawa ang kick-off clean-up drive sa Anilao, Batangas, in partnership with HOPE’S “Aling Tindera Waste-To-Cash” program.
Ipinakitang isa sa mga nag-dive sa ilalim ng dagat si Alden, para mangolekta ng mga plastik at ma-recycle ang mga ito, to prevent plastic pollution.
In-introduce din nila ang “Plastic-Palit-Pera” na kahit sinong makaipon ng mga plastics ay pwede itong ipalit ng pera sa “Aling Tindera Waste-To-Cash program.
The group aims to achieve their goal of collecting 10 metric tons of plastic by the end of the year.
Bumalik din sa Manila si Alden after the Anilao event, para tanggapin ang award niya mula sa 2022 Philippine Esports Awards at the UP Diliman campus, as the “Gaming Community Positive Influencer of the Year.” Kasama ni Alden na nanalo rin ng award, si Kapuso actress Myrtle Sarrosa as “Best Esports Cosplayer of the Year.”
***
FIRST time ni Kapamilya actor Gerald Anderson na tumapak sa GMA studio at first time din niyang maggi-guest sa isang GMA Show, ang top-rating family show na “Family Feud.”
First time din ni Gerald na ma-meet ang Family Fued host na si Dingdong Dantes, nang mag-tape na sila ng episode last Saturday, March 25, bilang promotion ng “Unravel” nila ni Kylie Padilla na isa sa mga entries sa coming first “Summer Metro Manila Film Festival” this April. Maglalaban sa family show ang group ni Gerald sa group ni Kylie.
“First time ko to guest sa Family Feud and first time ko rito sa GMA, so its very exciting,” sabi ni Gerald.
Mapapanood ito this April, sa week-long first anniversary celebration ng ‘Family Feud’ na napapanood daily at 5:40 PM sa GMA-7.
***
PINAGDUDUDAHAN pala noong una ang closeness ng mga bida ng GMA Afternoon Prime drama series na “AraBella” nina Althea Ablan at Shayne Sava, dahil madalas silang magkasama sa mga Tiktok dance videos nila, wearing identical bracelets.
Pero nagpaliwanag ang dalawa na talagang close na sila simula pa nang magkasama sila sa lock-in taping ng serye, kasama si Camille Prats. Sa story raw lamang sila magkaaway.
Wala raw competition sa kanilang dalawa, maliban nga lamang sa mga roles na ginagampanan nila, dahil si Shayne as Ara ay mabait at si Althea as Bella ay supladita, kaya lagi silang nag-aaway.
Kung umamin si Althea na sila na ng kapwa Sparkle artist na si Prince Clemente, mas concern pa rin daw sila sa kani-kanilang career.
Okey daw naman si Abdul Rahman, ang ka-loveteam ni Shayne, pero sa isang tabi muna ang love, darating daw iyon at the right time.
(NORA V. CALDERON)
Other News
-
Ads January 20, 2021
-
Paglipat ni Mary Jane Veloso sa pasilidad ng Pinas, pinag-usapang mabuti kasama ang Indonesia- DFA
KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinag-usapan ng Pilipinas at Indonesia ang posibleng paglipat ng Filipina death row convict na si Mary Jane Veloso sa Pilipinas para isilbi ang kanyang sentensiya sa pasilidad sa bansa. Sinabi ng Indonesia media na pinag-iisipang mabuti ng kanilang gobyerno ang posibilidad na payagan ang mga dayuhang […]
-
Akbayan: ICC challenge ni Duterte, isang bluff
TINAWAG ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña na bluff ang hamon ni dating Presidente Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC). Gayunman, nangako naman ang Akbayan na handa silang dalhin sa ICC si Duterte kasunod sa pahayag ng dating pangulo sa pagdinig ng House Quad Committee. Nang tanungin na kooperasyon sa imbestigasyon ng […]