• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Committee on Dangerous Drugs sa insidente na kinasangkutan ni Mayo

SUPORTADO ng isang mambabatas ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., na may malawakang pagtatangka para pagtakpan umano sa pagkakaaresto kay dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

 

 

Ayon kay Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang Committee on Dangerous Drugs sa insidente na kinasangkutan ni Mayo at iba pang matataas na opisyal.

 

 

May mga nakalap aniya silang mga ebidensiya, testimonya at dokumento at authentic CCTV footages na nagpapakita sa katotohanan at tunay na istorya sa likod ng mga insidente naipinakakalat ng ilang scalawags.

 

 

“Indeed there is much truth of a massive attempt to exonerate Sgt. Mayo and other personalities involved in the raid and/or connected to him. Soon these pieces of evidence will unravel and reveal the real story,” ani Barbers.

 

 

Sinabi pa ni Barbers na sa kabila na batid naman ng mga mambabatas na hindi sila maaring mag-prosecute ay may kapangyarihan naman ang mga ito na i-endorso sa korte at mga kinauukulang ahensiya ang resulta ng kanilang ikinasang pagdinig.

 

 

Pinuri naman nito ang paninindigan ni Abalos na linisin ang hanay ng pambansang pulisya kasabay ng pagtitiyak na susuportahan ng kamara ang mga hakbangin ng kalihim para masiguro ang kaligtasan at proteksyon ng mga Pilipino.

 

 

Si Mayo na inaresto dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga, kasunod ito ng ikinasang drug raid ng mga otoridad noong October 2022 sa  tanggapan ng isang lending company sa Maynila na pag-aari ng dating opisyal. (Ara Romero)

Other News
  • Amendments sa panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA),” Cooperative Banking Act, aprubado

    MATAPOS  ang diskusyon ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries na pinamumunuan ni Manila Rep. Irwin Tieng ay inaprubahan nito ang karagdagang amendments sa revised House Bill 6398, o panukalang “Maharlika Wealth Fund Act (MWFA).”     Ang panukala ay una nang inaprubahan noong Martes ng komite kung saan magkakaroon ng independent fund na […]

  • 5 ‘tulak’ nadakma sa buy bust sa Valenzuela, P285K shabu nasamsam

    TINATAYANG halos P.3 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa limang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Sa isinumiteng ulat ni PSSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria, dakong alas-5 ng madaling araw nang magsagawa ang […]

  • Export ng PH lumampas ng $100-B noong 2023 – DTI

    IPINAGMALAKI ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na sa unang pagkakataon, ang mga export ng Pilipinas ay lumampas sa USD 100 bilyon noong 2023.     Ayon kay Director Bianca Sykimte ng DTI- Export Marketing Bureau (EMB) na ang kabuuang taon na pag-export ng parehong mga produkto at serbisyo ay umabot […]