NAGSULPUTANG PEKENG COVID VACCINE, BABANTAYAN NG NBI
- Published on February 8, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSASAGAWA ng monitoring ang National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang pagpuslit ng mga nagsulputang pekeng Covid-19 vaccines sa bansa.
Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa importation, selling at distribution ng Covid-19 vaccine na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi aprubado ng food and Drugs Administration (FDA).
Una nang inatasan ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa ulat ng mga pekeng mga gamot na nakakapsok sa bansa kasama na rito ang bakuna kontra Covid-19.
Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabakunahan na ang ilang miyemro ng sundalo partikular ang Presidential Security Group (PSG) .
Sinasabing ang bakuna na donasyon mula sa China ang sinasabing itinutok sa mga sundalo at iba pang personalidad kung saan wala itong rehistro o hindi dumaan sa FDA at wala rin itong emergency use authorization.
Kabilang ang mga sundalo sa priority list ng gobyerno na makakatanggap ng bakuna sa sandalling dumating na ito sa bansa. (GENE ADSUARA)
-
Tuluy-tuloy na bloodless war on drugs in PBBM magreresulta sa maraming pagkumpiska, pag-aresto
WALANG pag-aalinlangan ang isang matataas na opisyal ng Kamara na ang anti-drug operations ng administrasyon ni Pangulong Marcos ay mas magiging matagumpay sa pinaigting na operasyon ng mga otoridad subalit mas konti ang inaasahang mamamatay. “The 52% significant drop in the number of fatalities, as reported by PDEA (Philippine Drug Enforcement Authority) is […]
-
RIDING-IN-TANDEM TODAS SA PULIS SA CALOOCAN
DEDBOL ang dalawang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa humahabol na mga pulis makaraang takbuhan ang isang checkpoint sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Base nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, dakong alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan […]
-
Deklarasyon ng food security emergency, ikakasa sa Enero 22- DA
INAASAHAN na idedeklara ng Department of Agriculture (DA) ang food security emergency sa Enero 22, ng taong kasalukuyan, araw ng Miyerkules. “Ang expectation by Monday, mare-receive na ng DA ‘yung kopya ng resolution ng approval ng recommendation na mag-declare nga ng food security emergency,” ang sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa sa […]