• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAGTAGO NG 17-TAON, TAIWANESE NATIONAL, NAARESTO SA QUEZON

MAKARAAN ang 17-taon na pagtatago sa awtoridad, naaresto rin ng Bureau  of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national dahil  sa tangkang pagpatay sa kanyang kababayan sa Taipe.

 

 

Kinilala ang suspek na si Huang Kuan-I, 53, na naaresto ng BI fugitive search  Unit (FSU) sa bayan ng Real Quezon, sa kanilang ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente.

 

 

Ang mga umaresto ay armado ng Warrant of Deportation na inisyu ng Morente matapos na nakatanggap ng impormasyon  mula sa Taiwanese authorities kung saan si Huang ay may outstanding warrant na insyu ng Hualien prosecutor’s office sa  Taiwan noon pang 2004.

 

 

“Aside from being an undesirable alien, he will also be deported for being an undocumented alien because his passport already expired in February 2019 and has not been renewed since,” ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy.

 

 

Dagdag pa ni Sy na overstaying na rin si Huang kung saan dumating sa bansa noon g April 2009 paratakasan ang krimen ginawa sa kanilang bansa.

 

 

“He fled to the Philippines a year before a Taiwanese judge sentenced him to eight years in prison for attempted murder,” ayon ka Sy.

 

 

Sa natanggap na impormasyon ng BI, si Huang ay nahatulan ng pamamaril sa kanyang kababayan sa Hualien, Taiwan  noong 2004 dahil sa mainitang pagtatalo. GENE ADSUARA

Other News
  • Maglilimang taon nang loveless: MARTIN, happy naman dahil tuloy ang pakikipag-date

    MASAYA at ikinagulat pala ni Martin del Rosario na panggabi ang serye nilang Asawa Ng Asawa Ko.   “Siyempre proud kasi unexpected, e!     “Alam namin lahat na Afternoon Prime kami tapos biglang GMA Telebabad, so something to be proud of, di ba,” saad ni Martin.     May dream role pa ba siya? […]

  • Customs ni-raid ‘hoarders’ ng libu-libong sako ng asukal sa Pampanga

    LIBU-LIBONG  sako ng hinihinalang hino-hoard na asukal ang nasabat sa isang warehouse sa San Fernando City, Pampanga sa gitna ng reklamo ng mga konsumer ng nagtataasang presyo nito sa merkado.     Huwebes nang salakayin ng mga ahente ng Bureau of Customs ang Lison Building, kung saan naroon ang New Public Market, sa barangay Del […]

  • Ads January 20, 2024