• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagtala ng bagong ‘Guiness World Records’: BTS, binasag ang sariling record bilang “most-streamed group on Spotify”

MULING nagtala ng bagong record para sa Guiness World Records ang sikat na Korean supergroup na BTS.

 

Sa katunayan ang grupo mismo ang bumasag sa sarili nilang record bilang “most-streamed group on Spotify.”

 

Noong nakaraang March 3, nagtala ng bagong record ang BTS sa Spotify. Umabot na sila sa 31.96 billion streams sa naturang music streaming platform. Ang huling record nila ay 16.3 billion noong April 2021.

 

Ayon sa Guinness: “The group’s most streamed song on the platform is their chart-topping hit, “Dynamite”, with 1.6 billion streams. This is followed by another record-breaking single, “Butter,” at 1.08 billion and “Boy with Luv,” which featured Halsey, at 1.01 billion streams.”

 

Naging most awarded music group din ang BTS sa nakaraang Kids’ Choice Awards with seven blimps. Four years in a row silang ginawaran bilang Favourite Music Group.

 

Ang BTS din ang natatanging music group na most followed sa Instagram (72.4 million), Twitter (48.2 million) at TikTok (58.2 million) for 2023.

 

Ang members ng BTS na sina RM, Jin, SUGA, J-hope, Jimin, V, and Jungkook ay may kanya-kanyang mga solo projects at naghahanda sila para sa kanilang mandatory military services.

 

***

 

HANDA na ngang ma-in love ulit ang tinaguriang Asia’s Vocal Supreme Katrina Velarde.

 

 

Sa kanyang ma recent post sa social media, may kasama itong lalake na tila foreigner ang dating at tamis-tamisan ang mga kuha nila.

 

 

Nilagyan ito ni Katrina ng caption na: “Hi captain and my pilot in command. You took off so fast and nicely LANDED in my heart and i was NOT prepared for your arrival. But here you are with me right now… Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat.

 

 

“Salamat sayong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat… I THANK GOD THAT HE ALLOWS ME TO FALL INLOVE AGAIN. It’s not afam is life, it’s your love that is life…”

 

 

May 2021 noong kinasal ang Suklay Diva sa musician boyfriend niyang si Mike Shapiro. Nakilala niya ito sa pamamagitan ng mentor niyang si Gary Valenciano. Pero makaraan ang ilang buwan ay biglang nagkaroon ng sakit si Mike at pumanaw ito noong November 2021.

 

 

Never na nagbigay ng anumang detalye si Katrina tungkol sa pagpanaw ng kanyang mister. Humiling lang ito na maging pribado na lang ang lahat.

 

 

Pagkaraan ng dalawang taon, binukas na ulit ni Katrina ang kanyang puso para magmahal ulit at marami ang masaya para sa kanya.

 

 

Comment nga ng isang netizen sa kanyang post: “Happy for you and you just look perfect couple. God bless you with more and more happiness and success.”

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Laban sa New Zealand sa FIBA Asia, malaking hamon sa Gilas – Brownlee

    INAASAHAN na magiging mabigat kaagad ang magaganap na unang laro ng Gilas sa second window ng FIBA Asia Cup qualifiers sa darating na Nobyembre 21, sapagkat makakatapat nila ang New Zealand ayon kay Justin Brownlee.     Ang makakalaban nilang team na Tall Blacks ang matatandaang tumalo sa team ng Pilipinas noong nakaraang taon sa […]

  • 20% discount sa mga gov’t certificates at clearances para sa job applicants, isinulong sa Senado

    NAGHAIN ng panukalang batas si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na naglalayong bigyan ng 20 porsiyentong diskuwento ang bawat mahirap na Pilipino para sa kaukulang dokumento na kakailanganin sa kanilang pag-a-apply ng trabaho.       Ito ang Republic Act No. 11261 o ang ‘First Time Jobseekers Assistance Act’ na na makakatulong sa bawat mahihirap […]

  • Volunteers, contributors sa Paeng fund drive at relief operations, pinasalamatan ng Kamara

    PINASALAMATAN ng Kamara ang mga miyembro nito, volunteers at pribadong grupo at indibidwal na tumulong sa ginanap na fund drive at relief operations para sa biktima ng bagyong Paeng.     Nakapaloob ito sa House Resolution 531 na agad inaprubahan ng Kamara.     Ang resolusyon ay inihain nina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel […]