Nagulat at ‘di makapaniwala sa naganap sa concert: STELL, napabilib si DAVID FOSTER sa pagbirit ng ‘All By Myself’
- Published on June 20, 2024
- by @peoplesbalita
NAPABILIB nang labis ng sikat na P-pop SB19 member na si Stell Ajero ang famous global producer-songwriter na si David Foster.
Sa “Hitman: David Foster and Friends Asia Tour 2024” sa Smart Araneta Coliseum nitong June 18, naging special guest si Stell, na kung saan siya ang opening act.
Kinanta ni Stell ang “All I Ask” ni Adele, “Defying Gravity” ng Wicked at ang latest single niyang “Room”.
Wala raw sa plano ang pagkanta niya ng “All By Myself” na version ni Celine Dion. Kaya makikita sa mga videos ang naging convo nina David at Stell, na kung saan tinatanong siya kung kaya niyang kantahin ang kantang unang pinasikat ni Eric Carmen.
Dumagundong nga ang Big Dome sa pagbirit ni Stell na “All By Myself” na ikinabilib nga si David at ng netizens.
Bago ang kanyang pinag-uusapang performance, nagkuwento muna si David tungkol sa song na pinakanta rin kay Celine na kung saan tinaasan ito ng ilang bars na ikina-inis daw Canadian and global singer.
Three times na nag-try si Celine, bago ito na-perfect at pagbibiro ni David, one chance lang ang ibibigay niya kay Stell at kinaya naman niya ito, dahil pasadong-pasado, dahil masyado niyang ginalingan ang pagbirit na mala-diva ang dating.
Say pa ni Foster, “Stell, who sang before me, incredible! He did a great job!”
Super proud naman ang A’TIN kay Stell.
Kahapon, June 19, nag-post naman si Stell na hindi pa rin daw makapaniwala sa nangyari sa naturang Hitman concert.
“I’m still shocked. Hindi pa rin ako makapaniwala na nabigyan ako ng ganitong opportunity to perform on stage with the hitman, Mr. David Foster,” panimula niya.
Pagpapatuloy ni Stell, “So, pag akyat ko ng stage dapat mag-soundcheck na ako for my spot, pero nagulat ako Sir David is playing the piano. Then he ask me kung suot ko na inears ko kasi pwede daw namin itry yung song.
“Nagulat ako sabi ko sa utak ko “what song?” So na pa “huh” ako then sabi niya ‘all by myself’ give it a try daw. Bilang lutang ako sa sobrang gulat kinanta ko lang siya kung pano ko siya kinakanta.
“After iplay yung arrangement nung song sabi niya “do you want to perform this song tonight?” nasabi ko nalang “if it’s ok with you sir” biglang BOOOM ayun na ang nangyare.
“Para akong nag audition talaga. Na-manifest ko yata. Grabe ‘yung kaba ko. Akala ko pinatry nya lang sa’kin. Syempre sino na naman ako para tumanggi diba? Minsan lang yung ganong pagkakataon kaya binigay ko talaga yung best ko. Pagkatapos kong mag-perform, grabe din sigawan ng team and staff sa likod! Para kaming nanalo sa contest tapos talon kami ng talon. Grabe.”
Dagdag pa niya, “Ayun lang. Ang haba ng kwento pero solid ang experience. Thank you sa lahat ng sumuporta. Thank you Sir David Foster and to the whole team. Sana nagustuhan niyo po yung performance ko. Thank you Lord kayo po talaga yung boses ko kagabi, Salamat po!”
Next na aabangan si Stell sa Puregold concert na “Nasa Atin ang Panalo” sa July 12, kasama ang buong SB19, Bini, Flow G at SunKissed Lola na gaganapin din sa Big Dome.
Sa July 27 and 28 naman, solo concert ni Stell kasama si Julie Ann San Jose sa ‘JulieXStell: Ang Ating Tinig’ sa gaganapin naman sa New Frontier Theater.
(ROHN ROMULO)
-
Wala kaming bayaran sa socmed laban kay VP Robredo – Andanar
MARIING itinanggi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na kumuha ng mga troll o bayarang vlogger o manunulat sa social media ang administrasyong Duterte para atakehin o siraan si Vice President Leni Robredo. Tugon ito ni Andanar sa bintang ng kampo ni Robredo na mababa ang performance at trust rating ng Vice President dahil […]
-
Yorme Isko, walang planong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 election
Nilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno na wala siyang plano na tumakbo sa pagkapangulo sa halalan na gaganapin sa 2022. Aminado raw si Moreno na masaya siya dahil nakasama ang kaniyang pangalan sa isa sa mga presidential bets sa 2022 batay sa inilabas na listahan ng Pulse Asia survey. Labis ang […]
-
KOREA PICKS “CONCRETE UTOPIA” FOR INTERNATIONAL FILM RACE AT THE OSCARS, FILM TO MAKE NORTH AMERICAN PREMIERE AT THE 48TH TORONTO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL
THE Korean Film Council (KOFIC) has unanimously chosen the disaster epic Concrete Utopia to represent South Korea in the selection for Best International Feature Film at the 2024 Academy Awards. In a statement on their official website, KOFIC said that they tried to select “a film that is Korean, yet aims for a global […]