Nagustuhan niya ang pagiging totoo ng aktres: MARIAN, inihalintulad ni CHRISTIAN kay KIRAY
- Published on April 26, 2024
- by @peoplesbalita
NAKAKAALIW ang interview ni Nelson Canlas kay Christian Antolin, ang content creator na aktor na ngayon na alaga ng kaibigan naming si Rams David ng Artist Circle Management.
Nasa cast ng ‘My Guardian Alien’ si Christian at sa ‘Updated with Nelson Canlas’ podcast ay nagkuwento si Christian, na gumaganap bilang si Sputnik sa serye, tungkol sa working relationship nila ng bida sa serye na si Marian Rivera.
Lahad ni Christian, “Fan po ako ni Ate Marian. Sobra. “Talaga nung MariMar, ginabi-gabi ko iyon.
“Kasi yung teleserye pa yun ng Mexicanovela, love na love ko yung MariMar na serye. Tapos nung naging siya sabi ko, ‘Ay ang perfect naman nitong maging MariMar.’ Simula nun, naging fan na ako.
“Hanggang sa Amaya, Darna, yun. Temptation of Wife, sobrang love ko na siya, naging fan na talaga ako niya, sobrang minahal ko na siya.
“And nung nakita ko siya personally, sabi ko ‘Hala! Para akong nananalamin,'” tsika pa ni Christian.
Ayon pa kay Christian, ang nagustuhan niya kay Marian ay ang pagiging totoo nito.
“Ang nagustuhan ko kay Ate Marian, parang Kiray, maihahalintulad sila, what you see is what you get.
“Kung ano siya sa personal, iyon yung magugustuhan mo at iyon yung dapat tanggapin mo,” sinabi pa ni Christian.
Tulad ni Christian ay co-star rin ni Marian sa ‘My Guardian Alien’ ng GMA si Kiray Celis.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
PSG ‘handang makulong’ sa smuggled vaccines
Muling sinalag ng Palasyo ang mga kritisismong natatanggap ng Presidential Security Group (PSG) sa pagtuturok ng bakunang hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA), bagay na kanilang nagawa lang daw upang matiyak na ‘di dapuan ng coronavirus disease (COVID-19) ang presidente. Sa media briefing ni presidential spokesperson Harry Roque, kanyang idiniin na handang mamatay […]
-
PBBM nagbigay pugay sa lahat ng nanay at tatay na nagpapaka-nanay
NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga ina, kabilang ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa kanilang sakripisyo ngayong Araw ng mga Ina. Sa isang post sa social media nitong Linggo, pinarangalan ni Marcos ang lahat ng mga ina sa kanilang mga sakripisyo na nagpatibay sa pamilya at […]
-
Ads January 18, 2023