• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naiisip din na meron at merong papalit sa kanya: OGIE, ilang taong dumaan sa pagsubok pero nalampasan

KUNG si Ogie Alcasid ang tatanungin ay gusto lang daw niya noon na maging host ng ‘It’s Showtime’.

 

Matatandaang nagsimula lang bilang isa sa mga hurado ang singer-songwriter para sa Tawag Ng Tanghalan segment ng programa noong 2017.

 

Kasagsagan pa noon ng pandemic noong 2021 nang maging opisyal na host ng naturang noontime show si Ogie.

 

“Parang it was a dream come true. Parang naalala ko noong judge pa lang ako sa Tawag Ng Tanghalan, sabi ko ang saya-saya nila doon sa entablado.

 

“Parang sarap makipagbardagulan sa kanila and it happened,” napatawang sambit ka agad ng magaling na singer at aktor.

 

***

 

HINDI na rin nawawala ang pagsubok o problema kay Ogie Alcasid.

 

Sa halos apat na taon ay marami na ring pagsubok ang nalampasan ng singer-composer.

 

Pati problema sa pamilya at magiging sa kanyang karera bilang aktor, singer at TV host ay sunod-sunod ding naranasan ni Ogie. Siyempre alam din naman ni Ogie na sooner or later meron na ring pumalit sa kasalukuyan niyang estado bilang sikat na mang-aawit.

 

May mga pagkakataon ngang naiisip ni Ogie na posibleng mayroon nang papalit sa mga ginagawang trabaho niya sa ngayon.

 

“We know that our work has become quiet. The industry is becoming smaller and smaller. It’s the truth. Hindi ka naman pwede forever nandiyan. You are replaceable. But what I’ve learned so far is that every opportunity you’re given, they say to reinvent.

 

“For me, it’s about continuing to create. Not knowing when your next job will come, not knowing where you will go. Kasi ganyan talaga ang nature ng trabaho natin. There is so much uncertainty,” mahaba at makahulugang pananalita pa ng pangulo ng asosasyon ng Pilipinong mang-aawit. (JIMI C. ESCALA)

Other News
  • AFP officials muling tiniyak loyalty sa constitution sa ginawang courtesy call kay Speaker Romualdez

    MULING binigyang-diin ng mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang loyalty sa Constitution at maging sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.       Ginawa ng mga ito ang pahayag ng mag courtesy call ang mga ito ay House Speaker Martin Romualdez kahapon sa Kamara.     Ayon […]

  • Bagong hepe ng DICT, gustong paigtingin ang cybersecurity, cybercrime detection

    NAIS ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng bagong administrasyon na paigtingin ang cybersecurity at cybercrime detection ng bansa.     “We want to improve our cybersecurity, napakaraming instances po ng mga breaches ng mga website natin and at the same time on the cybercrime detection, I’m sure marami po tayong […]

  • NCR magiging matatag vs Delta variant

    Magiging ‘Delta resilient’ ang National Capital Region (NCR) sa mga susunod na buwan base sa antas ng CO­VID-19 vaccination sa rehiyon, ayon sa pagtaya ng OCTA Research Group.     Sinabi ni OCTA fellow Fr. Nicanor Austriaco, isang molecular biologist, na nabakunahan na ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang 20 hanggang 70 porsyento ng kanilang […]