• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naitalang mga kaso ng cybercrime sa Metro Manila, tumaas sa halos 200% – PNP

INIULAT ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group na halos nag-triple na ang bilang ng mga kaso ng cybercrime na kanilang naitala sa buong Metro Manila sa unang bahagi ng taong 2023.

 

 

 

Ito ang naitala ng Pambansang Pulisya ilang araw bago ang deadline ng SIM registration sa darating na July 25, 2023.

 

 

 

Sa datos, umabot sa 152% o 6,250 na mga kaso ang itinaas ng cybercrime sa National Capital Region sa unang bahagi ng taong 2023 kumpara sa 2,477 na una na nitong naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

 

 

 

Paliwanag ni PNP-ACG Director PBGEN. Sydney Hernia, ang pagtaas na ito sa bilang ng mga cybercrime na kanilang naitatala ay bahagi ng worldwide trend na isa aniyang natural effect ng paggamit ng internet ng halos lahat ng mga tao ngayon sa buong mundo.

 

 

 

Kaugnay nito ay inihayag din ng naturang hanay ng kapulisan na halos pumalo na rin sa 200% ang itinaas ng SIM-aided crimes sa bansa na may katumbas na 4,104 na bilang para sa taong 2023.

 

 

 

Mas mataas din ito kung ikukumpara sa 1,415 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Other News
  • Kahit nakikipaglaban sa sakit na stiff-person syndrome: CELINE DION, pumayag na mag-perform sa 2024 Olympics sa Paris

    KAHIT na nakikipaglaban sa sakit na stiff-person syndrome, pumayag si Celine Dion na mag-perform sa 2024 Olympics in Paris, France. Sey ng Canadian music legend, aawit lang daw siya ng one song: “I’ve chosen to work with all my body and soul, from head to toe, with a medical team. I want to be the […]

  • TUMAKAS NA SOUTH KOREAN SA DETENTION CELL, NAHULI NA, 2 PA NAARESTO

    NATAGPUAN ng  Bureau of Immigration (BI) ang South Korean na tumakas mula sa kanyang detention cell sa Bicutan, Taguig City.     Ayon sa  elemento ng BI  intelligence division (ID) and fugitive search unit (FSU), naaresto si Kang Juchun, 38, sa kanyang condominium unit sa  N. Domingo St. sa Brgy. Ermitano, San Juan City ng […]

  • Fernando, nanguna sa paglaban kontra vote buying sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paglulunsad ng multi-sectoral anti-vote buying campaign sa Lalawigan ng Bulacan ngayong araw upang makatulong sa pagsugpo ng pamimili ng boto at masiguro ang maayos, mapayapa, patas at inklusibong halalan sa darating na nasyunal at lokal na botohan sa Mayo 9, 2022.     Tinawag […]