Naitatalang daily COVID 19 cases sa NCR, malaki ang posibilidad na umabot na sa 400 hanggang 500 sa katapusan ng buwan – OCTA Research
- Published on June 16, 2022
- by @peoplesbalita
TINATAYANG papalo na sa 400 hanggang 500 cases kada araw ang nakikitang projection ng Octa Research na maitatalang kaso ng COVID 19 pagdating ng June 30.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi Dr Guido David na sadyang papabilis ang kasong naire- record araw- araw.
Aniya, naobserbahan nila na sa mga nakaraang mga linggo na 53% ang itinataas ng kaso mula lamang sa 10%.
Tumaas din ayon kay David ang 7 day average sa mula sa 86 to 131 cases per day gayundin ang reproduction number na ngayon ay nasa 1.59 na aniya.
At maging ang pati positivity rate ay nasa 2.7 % na habang bahagyang tumaas na din ang hospital care utilization rate dito sa Kalakhang Maynila. (Daris Jose)
-
SHARON, nag-react sa #CuBao dahil mas type niya ang #MaRon sa team-up nila ni MARCO
BENTANG-BENTA sa netizens ang pinost ni Direk Darryl Yap sa kanyang FB account VinCentiments na kung saan nag-last shooting day na pala sila ng Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta. Kasama nga ni Sharon ang newest leading man niya na si Marco Gumabao sa naturang post na kinakiligan din ng netizens. […]
-
ONLINE SELLER TIMBOG SA BARIL
KULONG ang 27-anyos na online seller matapos magpakilalang pulis at makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang masita ng mga tunay na pulis sa checkpoint sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, maliban sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act, mahaharap din si Persius Corrales […]
-
KELLEY, itinanggi na buntis at ‘third party’ sa rumored breakup nina TOM at CARLA
ITINANGGI ng 1st runner-up ng 2021 Miss Eco International na si Kelley Day na siya ang third party sa rumored breakup ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana. Last Thursday, sa kanyang Instagram story nilinaw ng actress at beauty queen na walang katotohanan ang umiikot na tsismis at blind item. Panimula […]