• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naka-move on na sa pagkatalo sa ‘Miss Universe’: CELESTE, mas gusto na maging kontrabida sa TV at pelikula

ANG maging kontrabida ang siyang gustong gawin ng bagong Sparkle artists na si Celeste Cortesi.

 

 

 

Ayon ng former Miss Universe Philippines 2022, mas mukha raw mag-enjoy siya sa pagganap bilang kontrabida sa TV o pelikula. Kaya gusto raw niyang mag-acting workshop para mas marami siyang malaman sa pag-arte.

 

 

 

Inamin din ni Celeste na naka-move on na siya sa pagkatalo niya sa Miss Universe noong nakaraang January. Nalungkot daw siya dahil gusto raw niyang mapanalunan ang korona. Pero hindi raw nangyari iyon kahit na pinaghandaanan niya ng husto ang pageant.

 

 

 

Tinanggap na raw ni Celeste ang naging kapalaran niya kaya tuloy lang daw ang buhay at may bagong career na siyang haharapin ngayon.

 

 

 

***

 

 

 

ISA sa naapektuhan sa pagpanaw ng legendary American cronner na si Tony Bennett ay si Lady Gaga.

 

 

 

Hindi raw inakala ni Gaga na nakakatrabaho niya ang isa sa paborito niyang singers noong bata pa lang siya. In 2014, naglabas sila ng duet album titled Cheek To Cheek.

 

 

 

“I’ve been singing jazz since I was 13, and being with Tony, it’s really changed my life,” sey ni Gaga na muntik nang iwan ang pag-perform noong makaranas ito ng depression na inabot ng anim na buwan.

 

 

 

Isa raw sa pinayo sa kanya ni Bennett ay “don’t quit” and “listen to number one”.

 

 

 

Sey ni Gaga: “I’ve ­never once in my career not wanted to do this.’ It stung. I didn’t feel that way. I tell Tony every day that he saved my life.”

 

 

 

Kahit na raw na-diagnose si Bennett with Alzheimer’s disease, tuluy-tuloy lang daw ang pagtrabaho nito kasama si Gaga.

 

 

 

“First of all, we’re both Italian Americans so we understand one another completely. We get along great — her family and my family,” sey ni Bennett na ang naging final show ay noong 2021 na One Last Time: An Evening with Tony Bennett and Lady Gaga sa Radio City Music Hall at umere sa CBS.

 

 

 

Pumanaw si Bennett noong July 21 sa Manhattan, New York sa edad na 96. Nakilala ang singer sa mga hit songs niya na “I Left My Heart in San Francisco”, “Fly Me To The Moon”, “The Way You Look Tonight”, “The Good Life”, “I Got You Under My Skin”, “For Once In My Life”, “The Lady Is A Tramp”, “Shadow Of Your Smile” at marami pang iba.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads October 15, 2024

  • PMA’S CLASS “BAGONG SINAG” nakuha ang papuri, pagkilala ni PBBM

    TINATAYANG pitong babaeng kadete ng male-dominated Philippine Military Academy (PMA) ang ‘nag-stand out’ sa commencement exercises ngayong taon. Dahil dito, nag-iwan ito ng pambihirang impresyon sa kanilang Commander-In-Chief na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang pitong babaeng kadete ay nakapasok at nakasama sa Top 10 ng PMA “Bagong Sinag” Class of 2024 ngayong taon […]

  • ICC ‘di pipigilang mag-interview ng drug war suspects — Solicitor General

    MAAARING magpunta sa Pilipinas ang prosecutor ng International Criminal Court (ICC) at makapanayam ang mga suspek sa mga pagpatay sa war on drugs noong administrasyong Duterte, ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra nitong Martes.           Subalit, nilinaw ni Guevarra na ang gobyerno ng Pilipinas ay hindi legal na nakatali para asistehan […]