• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naka-support pa rin at ipinagmamalaki… JAKE, inamin sa IG post na totoong hiwalay na sila ni KYLIE

TINAPOS na nga ni Jake Cuenca ang pinag-uusapan na break-up nila ng beauty queen turned actress si Kylie Versoza.

 

 

Sa kanyang Instagram post, inamin na nga ni Jake na totoong hiwalay na sila ni Kylie.

 

 

Kasama ang dalawang photos, una rito ang  miniature nila ni Kylie kasama ang two pet dogs nila at ang pangalawa at magka-holding hands pa sila.

 

 

Nilagyan ng caption ng aktor, “This was us.

 

 

“I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. These past 3 years of my life have certainly been the best. I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways.

 

 

“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger we both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness no anger and no regrets only the good memories. certainly that’s what I will be holding on to.

 

 

“I will still be here to support you because in so many ways I feel a part of your journey and I will always pray for your success. I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it, as friends.

 

 

“Wherever you are or what ever you’re doing I will always be sending you love and positivity. Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie.”

 

 

Nagsimulang maghinala ang netizens na hiwalay na ang showbiz couple nang mag-tweet si Kylie ng salitang “Broken” noong April 17.

 

 

Napaiyak naman ang beauty queen sa segment ng It’s Showtime na “Sexy Babe” nang pag-usapan ang tungkol sa hiwalayan.

 

 

Tila sumagot naman si Jake sa kanyang sunud-sunod na IG Story na caption na, “I wish I could wipe away your tears…”

 

 

Huling post niya ang photo ng isang bandage na may caption na “i will try to fix you..” Na obviously, hindi na niya nagawang I-save pa ang kanilang relasyon.

 

 

Nang tingnan namin ang IG ni Kylie, mukhang tuloy lang ang buhay kahit may pinagdaraanan, kaya todo-promote na lang siya ng latest Vivamax Original na Ikaw lang Ang Mahal na kung saan makakatambal niya si Zanjoe Marudo, streaming na ito sa May 20.

 

 

Say ng netizens na maraming talagang nalungkot at nanghinayang dahil bagay na bagay daw ang dalawa, mukhang si Jake daw ang nag-fall out of love.

 

 

May nag-comment din na hindi kaya isa sa dahilan ng paghihiwalay ay ang ginagawang pagpapa-sexy ni Kylie sa Vivamax movies?

 

 

***

 

 

KASAMANG tumindig ng ‘Makatizens for Leni-Kiko’ ang dating Makati District 1 Congresman at ngayon ay tumatakbong senador na si Monsour Del Rosario.

 

 

Sa Makatindig Grand Assembly Walk nitong umaga ng Sabado, Abril 23, nakiisa si Del Rosario sa mga supporters nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa kanilang paglalakad mula Ayala Triangle Gardens hanggang Osmena Highway, bago tumulak sa caravan papuntang Macapagal Boulevard, Pasay City, kung saan ginanap ang NCR Grand Rally ng Leni-Kiko team.

 

 

“Nakakataba ng puso na makitang nagkakaisa ng mga tao para sa isang layunin na mapabuti at mapaganda ang ating bansa. Tingin ko hindi lang basta pagkakataon itong pagkakasama ko sa 1Sambayan na sumusuporta sa Leni-Kiko tandem.    “Nakatadhana ito dahil ang layunin ko sa aking pagtakbo bilang senador at ang layunin ng mga taong sumusuporta sa 1Sambayan at sa Leni-Kiko tandem ay iisa. Pare-pareho ang hangarin namin na maiangat ang buhay ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng isang gobyernong tapat sa paninilbilhan sa tao,” wika ni Del Rosario.

 

 

Si Del Rosario ay bahagi ng Partido Reporma, ngunit kamakailan ay napabilang na rin siya 1Sambayan senatorial slate na kadikit ng Leni-Kiko tandem. Bagamat hindi bahagi ng opisyal na “Tropang Angat” senatorial slate nina Leni-Kiko, nananatiling buo ang pagsuporta ni Del Rosario sa tandem at sa mga adhikain nito para sa bansa.

 

 

“Kami sa 1Sambayan, ang ino-offer namin sa publiko ay isang alternative na listahan ng mga senador. Kahit na yung iba sa amin ay hindi bahagi ng official na endorsed senatorial slate, kami ay sure na sure na 100% ang suporta namin kina VP Leni Robredo at Sen Kiko Pangilinan.

 

 

Gusto kong ipaalala sa ating mga kakabayan kung gaano kahalaga ang pagboto sa mga senador na buo ang suporta sa pinipili nilang presidente at bise presidente. Pagdating ng panahon, kaming mga senador ang magiging kaagapay ng presidente sa pagpatupad ng mga batas na kakailanganin natin para mapaunlad ang bansa at maiangat ang buhay ng lahat ng Pilipino.

 

 

Kaya hinihikayat ko ang ating mga kababayan na pumili ng mga senador na tunay na kaalyado ng presidente,” dagdag ni Del Rosario.

(ROHN ROMULO) 

Other News
  • Thank you for the opportunity to save lives-VP-elect Sara Duterte

    INIALAY ni Vice President-elect Sara Duterte ang kanyang tagumpay sa katatapos lamang na Eleksyon 2022 sa mga biktima ng “terrorism, abuse, criminality, and bullying.”     “The opportunity to serve as vice president, I dedicate to Kean Gabriel, to Larry, to Jaren and Frederick and all those who passed because of terrorism, abuse, criminality, and […]

  • P18K SRI sa halip na P20K ang maibibigay lang ng DepEd

    SINABI ng  Department of Education (DepEd) na P18k lamang sa halip na P20,000  halaga ng Service Recognition Incentive (SRI)  ang maibibigay nito sa mga kuwalipikadong  guro at iba pang teaching personnel.     “Ayon po sa ating AO (Administrative Order) ‘no, talagang ito SRI, we will source it sa PS (personal) savings or ‘yung ginagamit […]

  • Kai Sotto hindi makakapaglaro sa opening game ng ABL dahil sa injury

    Hindi makakapaglaro si Filipino basketball player Kai Sotto sa opening game ng Australia National Basketball League dahil sa kaniyang injury.     Ayon sa koponan nitong Adelaide 36ers na patuloy ang ginagawang pagpapagaling ng 7-foot-2 Pinoy basketball player mula sa kaniyang injury sa tuhod.     Makakalaban sana ng koponan ang Perth sa RAC Arena […]