• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakaka-relate dahil galing din sa broken family: ZAIJIAN, ramdam ang nerbyos at pressure sa bagong role

AMINADO si Zaijian Jaranilla na may naramdaman siyang nerbyos at pressure dahil sa role niya bilang Gio Ilustre, ang solong anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo sa  upcoming ABS-CBN drama series The Broken Marriage Vow, which premieres on January 22 on iWantTFC and January 24 on Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, and TFC.

 

“Dahil remake ito, kailangan may maipakita kaming bago sa audience dahil marami na ang nag-remake nito,” pahayag ni Zaijian.

 

 

Inihanda ko ang sarili ko by watching the series para magkaroon ako ng idea kung paano tatakbo ang kwento. Pero acting-wise, binigyan ko ng sarili kong interpretation ang role ni Gio.”

 

 

Nakaka-relate si Zaijian sa role ni Gio dahil galing siya sa broken family.

 

 

“Alam ko kung saan siya nanggagaling. Alam ko kung ano ang pinagdadaanan niya. Kung galing ka sa isang broken family, hindi mo deserve pagdaanan ang ganoong experience,” wika ng dating child actor.

 

 

“Pero ang mabibigay kong advice kay Gio is to be strong. Hindi siya dapat umabot sa point na kailangan niyang mamili kung kanino sa parents niya siya sasama. Pero dapat sundin niya kung ano ang dikta ng puso niya.”

 

 

Kung napupuri man ang acting niya based sa trailer ng The Broken Marriage Vow, dapat daw niyang pasalamatan ang co-stars niya na sina Jodi at Zanjoe.

 

 

“Ang husay nila pareho kaya kailangan na paghusayan ko rin. Nakaka-inspire ang husay nilang dalawa,” sabi pa niya.

 

 

“Sa umpisa pa lang, kailangan na namin na umarte na isang closely-knit family kami. Kailangan maramdaman ng audience na pamilya talaga kami. Kaya sa taping namin ay I treat Tita Jodi and Tito Zanjoe as if they are really my parents.”

 

 

***

 

 

MAY nabasa kaming column na ang sabi ay nag-break daw sina Edgar Allan Guzman at ang gf niya na si Shaira Diaz.

 

 

Pero kasagsagan ng Christmas season noon kaya we did not bother to ask EA about it kasi baka busy siya at walang time na sumagot.

 

 

Sinabi pati ng sister niya na si Michelle Guzman na nasa lockdown taping si EA para sa bagong show niya sa GMA.

 

 

Noong Wednesday (Jan 12) ay pinadalhan namin ng message si EA sa FB messenger to ask kung totoo ba ang chika na break na diumano sila ni Shaira.

 

 

“Hi Kuya Ricky, not true po hehe sobrang happy po namin sa isa’t isa,” sagot sa amin ni EA with matching smile emoji sa dulo ng mensahe.

 

 

At least, nalaman namin mismo kay EA na fake news na hiwalay na sila ni Shaira. May mga pictures nga silang magkasama sa bagong bahay na Christmas gift ni EA sa kanyang Mommy Sarrie.

 

 

***

 

 

ININDORSO ng aktor na si Jaime Fabregas ang pagtakbo bilang pangulo ng kapwa Bicolano at Bise Presidente Leni Robredo kasabay ng paghikayat sa mga kalalawigan na aktibong mag-recruit ng mas marami pang mga tagasuporta para matiyak na ang susunod na pangulo ng bansa ay mula sa Bicol Region.

 

 

“Iparamdam natin sa buong Pilipinas ang galing, lakas at pusong Bicolano. Ipakilala natin sa kapwa Pilipino ang tapat na pinuno.  At ipakita natin sa buong mundo ang kakayanan at katatagan ng ating lahi,” wika ni Fabregas.

 

 

Sa katauhan ni Robredo, idineklara rin ng aktor na taglay ng Bicol ang pinakamagaling at pinakakuwalipikadong kandidato sa mga tatakbo bilang pangulo sa 2022.

 

 

“Ang pakiusap ni Lolo General sa inyong lahat, na mangumbinsi pa tayo ng hindi bababa sa lima pang botante na makiisa sa ating layunin,” wika ni Fabregas, na tinutukoy ang kanyang karakter sa sikat na TV series na Ang Probinsyano.

 

 

Nagpahayag ng pagkadismaya si Fabregas sa katotohanan na wala pang pangulo mula Bicol Region ang nahalal kahit ito na ikalimang pinakamaraming bilang ng botante at ikaapat na pinamalaking ethnic group sa bansa.

 

 

Sa kanyang parte, hinikayat ni Robredo ang mga kapwa Bicolano na huwag sayangin ang pagkakataon na makapaghalal ng pangulo mula Bicolandia sa 2022.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Jesus; Matthew 6:34

    Do not worry.

  • 3 patay sa sunog sa Caloocan

    TATLONG katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na batang babae ang nasawi matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.   Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Beatris Oralio Alegria, 64, Vicente Junior Oralio Alegria, 65, at Althea Oralio, 3- anyos, pawang ng Kamagong St. Pangarap Village, Brgy. […]

  • 36 DAYUHAN, INARESTO SA ILLEGAL GAMBLING

    ARESTADO  ang 36 banyaga sa isang malaking pagsalakay  sa illegal online gambling companya sa Double Dragon Plaza  Tower 3 sa Pasay City.   Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon matapos makatanggap ang bureau ng ulat hinggil sa mga dayuhan na nagtratrabaho  nang walang kaukulang permit sa lugar.   “We coordinated with PAGCOR […]