• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakakaalarmang kondisyon ipapaopera na: DAVID, napagkakamalang suplado dahil sa ‘sleep apnea’

PLANO na pala ni David Licauco na ipaopera ang kanyang kondisyon na ‘sleep apnea’ pagkatapos ng TV series nila ni Barbie Forteza na “Maging Sino Ka Man.”

 

 

Ang sleep apnea ay sleep disorder na tumitigil kung minsan ang paghinga ng pasyente habang natutulog.

 

 

Sa naging panayam ni Nelson Canlas na ipinakita sa GMA News “24 Oras”, sinabi ni David na natuklasan na mayroon siyang ganitong kondisyon noong 16-anyos siya.

 

 

“Gusto ko nang magpa-opera after this show, so hopefully I find the time na magawa ko ‘yun kasi I think sleep is the best gift by God,” sabi ng Pambansang Ginoo.

 

 

Ipinaliwanag ng aktor na may kinalaman sa kanyang kondisyon, kung kaya napagkakamalan siyang suplado.

 

 

“I tend to be, parang iniisip ng mga tao na mataray ako, suplado, but actually may nape-feel kasi ako sa umaga na bigat eh, so parang wala ka sa mood, so I had to work out,” paliwanag pa ni David.

 

 

Last July nang ihayag ni David ang pagkakaroon niya ng sleep apnea na nagiging dahilan din kaya siya nala-late sa taping.

 

 

“My breathing stops for like mga 30 seconds straight, 24 times in an hour. “So, all throughout the night, hirap ako eh. So stressed ako. So paggising ko sa umaga, I’m stressed also,” kuwento pa niya.

 

 

Napapanood na sa GMA-7 ang “Maging Sino Ka Man” na remake pelikula nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

 

 

***

 

 

SA kabila ng kanyang edad na 18 at maraming nagpapa-cute na boys sa kaniya, inihayag ni Jillian Ward na hindi pa rin siya nagpapaligaw.

 

 

Sa “Not Gonna Lie” segment ng programang ‘Dapat Alam Mo!’, tinanong si Jillian kung marami bang nanliligaw sa kaniya sa totoong buhay.

 

 

“I’m not gonna lie. Lie,” tugon ni Jillian.

 

 

Gayunman, “lie” ang lumabas sa lie detector test, na tumututol sa kaniyang sagot.

 

 

“Well, hindi po kasi ako nagpapaligaw pa talaga,” paliwanag ni Jillian.

 

 

“May mga nagpapa-cute po pero kasi ako myself, iniiwasan ko po muna.”

 

 

Dahil dito, tinanong din si Jillian kung sino sa cast members niya sa “Abot-Kamay Na Pangarap” ang nagpapa-cute sa kaniya.

 

 

“Ayoko pong sagutin,” natatawa niyang sagot.

 

 

Bukod dito, hindi rin pinapayagan pa si Jillian ng kanyang ina na magka-nobyo.

 

 

Gayunman, sariling desisyon daw ni Jillian ang hindi muna pumasok sa isang relasyon.

 

 

“Mas strikto po ako sa sarili ko kaysa strikto sa akin ‘yung mga nasa paligid ko. Kasi sabi po nila enjoy-in ko ‘yung pagkabata ko. So I myself, gusto kong mag-focus muna sa work,” pahayag ng Kapuso teen queen.

 

 

Dati nang inihayag ni Jillian na tipo niya sa isang lalaki ang talented at mabait ang personality.

 

 

Patuloy na napapanood si Jillian bilang si bilang si Dra. Analyn Santos, ang pinakabatang neurosurgeon sa Pilipinas sa GMA Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay na Pangarap’.

 

At mapapanoood this week ang guesting niya sa GMA Primetime series na “Royal Blood” na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, na last two weeks na lang.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Paul George nakaranas ng anxiety at depression sa NBA bubble

    Ibinunyag ni Los Angeles Clippers star Paul George na dumanas ito ng depression at anxiety habang nasa loob ng NBA bubble.   Isinagawa nito ang pahayag matapos talunin ng Clippers ang Dallas Mavericks 154-111 sa Game 5 ng first round ng NBA playoffs.   Dagdag pa nito na na-underestimate niya ang kaniyang sarili kaya nakaranas […]

  • LUIS, tanggap ang unfortunate accident na nakunan ang private part; proud sa movie dahil nakatrabaho si Direk BRILLANTE

    NASA number one slot pa rin ng Top 10 ng Vivamax ang newest erotic-drama movie ni Direk Brillante Mendoza na Palitan na nagsimulang mag-streaming noong December 10, 2021.     For sure, nakadagdag sa mabilis na pagna-number one ng Palitan sa Vivamax ang pinagpipiyestahan sa socmed ang screenshot ng ‘dick slip’ photo ng isa sa bida ng pelikula na […]

  • Ads September 13, 2022