• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAKAKIKILIG ANG GINAWANG ‘SWEET PROPOSAL’: KLEA, KA-DATE ANG GF NA SI KATRICE SA ‘GMA THANKSGIVING GALA’

LOVE wins sa nalalapit na GMA Thanksgiving Gala 2023 para kay Klea Pineda.

 

 

 

Nag-share ang Kapuso actress at StarStruck 6 Female Survivor ng video sa kanyang TikTok ng ginawa niyang sweet proposal sa girlfriend na si Katrice Kierulf para maging date niya ito sa GMA Thanksgiving Gala on July 22.

 

 

 

Bukod sa pag-yes ni Katrice na maging date siya ni Klea, sinagot din niya ang iba pang mga tanong nito:

 

 

 

Klea: Do you love me?

Katrice: Yes!

 

 

 

Klea: Do you wanna spend the rest of your life with me?

Katrice: I’d love to, honey.

 

 

 

Klea: Will you be my date on July 22 for GMA Gala Ball?

Katrice: Yes, baby!

 

 

 

Nag-out bilang gay at miyembro ng LGTBQIA+ community si Klea noong March at pinakilala niya si Katrice bilang girlfriend niya.

 

 

 

***

 

 

 

HAPPY ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio dahil sa pagbukas ng kanyang business na fitness center noong nakaraang July 14.

 

 

 

May pangalan na “Off Grid” ang matagal ng passion project na fitness center ni Derrick na located sa Marikina City.

 

 

 

Pinost ni Derrick sa Instagram ang photos ng kanyang state-of-the-art fitness facility.

 

 

 

“Today marks the opening of my passion project. Ever since I started my fitness journey, I’ve always envisioned having my own facility and sharing my knowledge and passion to people. Our vision for this facility aims to change lives and improve people physically and mentally as well. @offgrid.ph,” caption pa ng Sparkle actor.

 

 

 

Samantalang magbibida ulit si Derrick sa upcoming GMA Afternooon Prime series na “Makiling” kasama sina Elle Villanueva, Myrtle Sarrosa, Thea Tolentino, and Kristoffer Martin.

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW na ang actor-director na si Ricky Rivero sa edad na 51.

 

 

 

In-announce ang pagpanaw ng former ‘That’s Entertainment’ star teen star sa kanyang official Facebook nitong Sunday, July 16.

 

 

 

“Wala na po si Ricky S. Rivero namayapa na po. Maraming salamat sa walang sawang tulong sa asawa ko,” post nb partner ni Ricky.

 

 

 

Noong nakaraang May ay tinakbo sa ospital si Ricky dahil sa stroke. Matagal na na-confine si Ricky at bumuhos ang tulong pinansyal mula sa kanyang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz.

 

 

 

Bumuti rin ang kalagayan ng aktor pero hindi na siya nakabalik sa kanyang trabaho bilang direktor.

 

 

 

Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si former Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang social media account. Nakatrabaho ni Bautista si Rivero sa unang pelikula nito na Ninja Kids noong 1986.

 

 

 

“Malungkot na araw dahil sa pag-panaw ng isang kaibigan at kasamahan sa pelikula at telebisyon. Paalam, Ricky. Nakikiramay ang aming pamilya sa Salvador at Rivero Families.”

 

 

 

Bukod sa Ninja Kids, lumabas din si Ricky sa mga pelikulang Magdusa Ka, Ikasa Mo Ipuputok Ko, Doctor Doctor We Are Sick, Do-Re-Mi, Narinig Mo Na Ba Ang L8est?, Bikini Open, Who’s That Girl?, The Unkabogable Private Benjamin, Petrang Kabayo, This Guy’s In Love With You, Mare, Here Comes The Bride, Hating Kapatid, Morong 5, And I Love You So, at Ang Tanging Ina.

 

 

 

Naging assistant director din si Ricky sa mga pelikula ng yumaong direktor na si Wenn Deramas.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PBBM, Robredo nagkita, nagkamay sa Sorsogon event

    NAGKITA at saglit na nagkamay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Leni Robredo sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena, araw ng Huwebes.   Si Robredo, kasama si dating Senador Bam Aquino, mainit na tinanggap si Pangulong Marcos sa holding area.   Sinabi ni Senate President Francis ”Chiz” Escudero, siya ang nag-imbita kay Robredo […]

  • DoT, naglunsad ng one-stop call center para sa tourism concerns

    MAAARI nang kontakin ng mga lokal at dayuhang turista ang one-stop call center na maaaring tugunan ang kanilang mga concerns na may kinalaman sa kanilang pag-byahe.     Nauna rito, inilunsad ng Department of Tourism  ang kauna-unahan at sentralisadong multi-platform Tourist Assistance Call Center sa isang  seremonya sa tanggapan ng departamento sa Makati City.   […]

  • Pinsala ni bagyong Odette sa Agri sector , malapit ng pumalo sa P13 bilyong piso —DA

    MALAPIT nang pumalo sa P13 bilyong piso ang pinsala sa agriculture sector dahil sa naging pananalasa ng bagong Odette.     Ayon sa pinakabagong tally na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA), ang “damage and losses” dahil sa kalamidad ay P12.7 bilyon “as of January 12, 2022.”     Labis na naapektuhan ng bagyo ang […]