• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakakikilig ang sagutan nila sa Instagram… Sobrang sweetness nina KYLINE at MAVY, hindi na maitago

HINDI na maitago nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi ang sobrang sweetness na meron sila.

 

 

Todo kung maka-cheeer si Kyline kay Mavy. Uso na rin yata talaga na suot ng girlfriend ang jersey ng mga jowa nila, huh!

 

 

Suot ni Kyline ang jersey ni Mavy kaya matching silang dalawa. Kung todo cheer si Kyline kay Mavy, gayundin ang huli.

 

 

Naka-shoot si Mavy ng bola sa basketball at sa sobrang tuwa nito, wala na itong pakialam kahit ang daming tao sa FilOil Flying V Center. Nagtatakbo si Kyline pagka-shoot ng bola sa ring kay Mavy sabay binuhat ito ng huli.

 

 

O ha!

 

 

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mavy ng picture nila habang karga niya si Kyline at may caption na, “I Win.”

 

 

Nag-reply si Kyline rito at muling sinabi na number 1 fan daw siya ng Kapuso actor. Bukod pa sa may pa-banner siya na may nakalagay na “Heroes #13 No. 1 Fan.” Nag-caption din si Kyline sa IG niya na, “Will forever be your fan.”

 

 

Mas lalo naman silang tinukso ng mga kapwa artista sa kani-kanilang mga Instagram account.

 

 

***

 

 

NAGKAROON ng grand launching ang pinakabagong streaming app na AQ Prime Entertainment sa Conrad Hotel noong Sabado.

 

 

Ito ang pinakabagong streaming company na maghahandog ng mga pelikulang gawang-Pinoy kabilang na ang mga orihinal na likha, nirerenta o on-demand na mga palabas, pay-per-view live events, at cable channel subscription.

 

 

Magiging live ngayong June 2022, ang AQ Prime ay magdadala ng libo-libong oras ng streaming entertainment para sa mga smartphone at TV sa buong Pilipinas, at maging sa iba pang bansa sa Southeast Asia, Middle East, South Korea at North America.

 

 

May listahan din ang AQ Prime pagdating sa mga classic Filipino show at movie, pati na rin mga bago at kapana-panabik na independently produced film.

 

 

“Excited kaming magbigay ng pinakakumpletong paraan para magkaroon ang mga Pilipino sa buong mundo ng entertainment content para sa isang streaming platform,” pahayag ni Atty. Aldwin Alegre, President at CEO ng AQ Prime.

 

 

Para naman kay Atty. Mary Melanie “Honey” Quiño, Chief Operations Officer ng AQ Prime Entertainment: “Naka-focus kami sa paghahatid ng dekalidad na entertainment na alam at mahal ng mga pamilyang Pilipino. Alang-alang dito, magkakaroon din ang AQ Prime ng isang talent development company sa pakikipag-ugnayan sa mga Korean film at entertainment partners. Pagkakataon ito para sa talentong Pinoy na maipamalas sa larangan ng pelikulang Koreano, K-drama at iba pa.”

 

 

Napapanood din ang bagong streaming platform ng AQ Prime sa pagbibigay-pansin sa napapanahon at makabuluhang content na sumasaklaw sa LGBTQIA+, musika, pati mga game show, talent show at reality programs.

 

 

Meron ding Director’s Cut by AQ, na isang hiwalay na app para sa mga sexy at mature na content — mula sa mga orihinal na kathang likha ng AQ hanggang sa mga na-acquire na title galing sa Korea at iba pang lugar.

 

 

Mada-download na ang AQ Prime ngayong June 2022 sa mga Apple at Android device, kasama na ang mga smartphone at smart TV. Mag-download sa Google Play Store at Apple App Store at mag-subscribe sa AQ Prime Entertainment service sa halagang P99 lang kada buwan.

 

 

In fairness, ang direct connection nila sa Korea ang nakikita naming isang edge ng AQ Prime. Sa grand launch palang, dumating na ang isa sa mga respetadong actor sa Korea na si Choi Moo Su at ang bagong K-pop girl group na Witchers.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • ANG SIKRETO NG BUMABALONG NA PERA, IBUBUNYAG!

    Sino nga ba sa atin ang hindi may gusto na magkaroon ng unlimited cash?   Ngunit, ano nga ba ang susi para bumalong ang kuwarta sa iyo?   Magtrabaho ka at i-manage mong mabuti ang pera mo. Huwag waldas. Pero maliban rito, may ilang llife hacks akong ituturo kung paano hindi mawawalan ng laman ang […]

  • Pagbakuna sa 60-M Pinoy, aabutin ng hanggang 5 taon – Galvez

    Inamin ng gobyerno na aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa target na 60 milyong Pilipino.   Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., nasa 20 million hanggang 30 million katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon. […]

  • Best Philippine swimming team handa na sa national tryout

    Bukod sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabigyan ng bakuna ang mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at Southeast Asian Games ay inaprubahan din nito ang pagdaraos ng swimming national selection meet.     Ang nasabing 2021 Swimming National Selection na gagawin ng Philippine Swimming Inc. (PSI) sa […]