• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakalulungkot dahil meron na namang tampuhan: GABBY, alam ang dahilan kung bakit in-unfollow ni KC ang mag-amang KIKO at FRANKIE

ALAM daw ni Gabby Concepcion ang dahilan ng anak niyang si KC Concepcion kung bakit nito in-unfollow ang stepdad niyang si Kiko Pangilinan at stepsister na si Frankie.  

 

 

Ayon ito sa columnist/host na si Cristy Fermin, na alam nga raw ni Gabby ang nangyayari, pero siguradong pipiliin daw nitong huwag panghimasukan ang tampuhan ng anak sa kanyang pamilya sa side ng mommy nitong si Megastar Sharon Cuneta.

 

 

Usap-usapan na kasi sa social media na mukhang hindi na naman maayos ang relasyon nila na napansin ng mga netizens, kaya nag-unfollow si KC.

 

 

Sabi pa rin ni Cristy, si Gabby raw kasi ay parang si KC din, bihira lamang magsalita at hindi nagpo-post ng malalalim na bagay tungkol sa mga tao na malalapit sa kanya.

 

 

May mga nanghihinayang naman sa bagong development na ito, dahil katatapos lamang magsalita si KC kung gaano siya natuwa nang malaman niyang magsasama sa isang concert ang mga magulang niya, ang “Dear Heart,” na magaganap sa October 27, sa SM Mall of Asia Arena.

 

 

Iba raw kasi ang nararamdaman niya dahil siya lamang ang anak nina Gabby at Sharon, at pangarap niyang makita silang “masayang nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo at magkaibigan.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pinakamataas na bilang ng mga gumaling sa COVID sa Phl, naitala ngayong Easter Sunday; higit 11-K bagong kaso

    Mula sa 12,576 kahapon, nakapagtala ngayong Linggo ng Pagkabuhay na 11,028 na bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.     Sa tala ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 795,051 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.     Iniulat din ng DOH ang 41,205 na bagong […]

  • Ekonomiya lumago ng 5.9%

    LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taong 2023.     Nasa 5.9 percent ang economy growth, mas mataas kumpara sa 4.3 percent noong ikalawang quarter.     Kaya naman tiniyak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy itong magsisikap para maabot ang mga target ng pagbabago sa ekonomiya at […]

  • Ads April 25, 2023