• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakaranas nang matinding ‘himala’ mula sa Panginoon: AICELLE, dalawang Santos ang makakalaban sa pagka-Best Actress

“ANG himala po sa buhay ko na lagi kong ikinukuwento sa mga kakilala o hindi ay mirakulo ng pagpapagaling ng Panginoon sa aking pamilya,” pagbabahagi ni Aicelle Santos na gumaganap na Elsa sa ‘Isang Himala’.

 

 

“Meron akong kapatid, 21 years old, isa na siyang cancer survivor. Siya po ay pinagaling ni Lord from Stage 2 lymphoma.

 

 

“Pero towards the six months ng chemotherapy, inatake naman sa puso yung 19-year-old brother ko.

 

“Ito po yung case ng myocarditis. Yung myocarditis, ito yung pinatitigil ng muscles ng heart mo na mag-pump.

 

“So, kung ang heartbeats natin per minute is 80 to 100, sa kanya naging 20 beats per minute.

 

“Ang sabi sa akin ng doktor, nanganganib na talaga siya. Ako noon, dinala ko siya sa ospital, kasama ng nanay ko, naka-paa lang.

 

“E nakita ko ang nanay ko, namumutla. E, high blood din ang nanay ko.

 

“Sabi ko, ‘Ma, diyan ka, kukuha ako ng gamot mo, kukuha ako ng tsinelas mo.”Pagbalik niya sa ospital ay umiiyak ang kanyang ina.

 

“Pagbalik ko sa emergency room, naiyak na ang mommy, sabi ko, ‘Bakit?’ ‘Pinapirma na ako ng waiver.’

 

“Sabi ko, hindi. Talagang noong panahon na iyon, yung confidence ko kay Lord, yun lang talaga ang kinapitan ko.

 

“Sabi ko, ‘Ma, ‘Mabubuhay si Aaron.’

 

“Aktibong Kristiyano ako and out loud. I prayed over him, sa puso niya.

 

“‘In the mighty name of Jesus, you are healed. In the mighty name of Jesus, ang kagalingan ng Panginoon, mula ulo hanggang paa, dumadaloy ang dugo ng Panginoon sa yo. Amen.’

 

“Right there and then, I witnessed a miracle, dumilat po ang kanyang mata.

 

“And then, ang mommy, tumigil sa pag-iyak.”

 

Mula sa CreaZion Studios at sa pakikipagtulungan sa Unitel, Straightshooter, Kapitol

 

Films at CMB Production, ang Isang Himala ay entry sa 50th Metro Manila Film Festival at mula sa direksyon ni Pepe Diokno at panulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee na siyang sumulat ng orihinal na pelikulang Himala na pinagbidahan naman ni Nora Aunor.

 

Pinagbibidahan ni Aicelle at ipapalabas sa mga sinehan mula sa araw ng Pasko, nasa pelikula rin sina Bituin Escalante, Kakki Teodoro, David Ezra at marami pang iba.

 

Matunog din na makakalaban niya sa pagka-Best Actress ang dalawa pang Santos na sina Vilma Santos-Recto (‘Uninvited’) at Judy Ann Santos-Agoncillo (‘Espantaho’) na alam nating parehong award-winning actress.

 

Magkaroon kaya ng ‘himala’ sa Gabi ng Parangal sa December 27?

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • NLEX pinalawig pa ang kontrata nina Alas at Ravena

    Pinalawig pa ng NLEX Road Warriors ng tatlong taon ang kontrata nina Kiefer Ravena at Kevin Alas.   Sa kaniyang social media, ipinarating ng NLEX star guard ang kaniyang labis na kasiyahan at pasasalamat sa koponan.   Tiniyak nito sa koponan na kaniyang gagawin ang makakakaya para mangibabaw ang kanilang koponan.   Taong 2017 ng […]

  • 2 PH golfers swak sa Olympics

    Maaaring dalawang golfers ang pwedeng ipadala ng Pilipinas sa Tokyo Olympics sa susunod na taon kung mapananatili lamang nila ang kanilang pwesto sa rankings, ayon sa secretary-general of the National Golf Association of the Philippines (NGAP). Sinabi ni Valeriano “Bones” Floro of NGAP, halos sigurado na sina  Bianca Pagdanganan at Yuka Saso na makalalaro sa […]

  • CHED: 126 unibersidad, nagpatupad ng academic break; 123 pa susunod na rin

    KABUUANG 126 unibersidad na sa bansa ang nagpatupad ng academic break simula nitong Ene­ro, kasunod nang panibagong surge ng COVID-19.     Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera III, may ilang unibersidad ang nagdeklara na ng academic break bago pa man itaas ang Alert Level 3 ng COVID-19 sa ilang […]