• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakikinabang sa mga Medical Mission ni Nieto Patuloy na Nadadagdagan

UMABOT  na sa 1,023 ang mga Manilenyong natulungan sa pangangailangan pang kalusugan at kagalingan ng mag rehistro at makinabang sa ARAW N’YO, SERBISYO KO! BIG MEDICAL MISSION, ang programang pang Kalusugang Manilenyo na pinangungunahan ng Bise Alkalde Yul Servo Nieto ay ginawa noong April 1, 2023.

 

 

Bilang pang 14th medical mission sa ilalim ng programang pangkalusugan at kagalingan ni Nieto simula ng kanyang panunungkulan bilang Vice Mayor ng Maynila noong June 30, 2022 ay umabot na sa 20,472 ang nakinabang.

 

 

Ang libreng pagsusuri sa kalusugan at pamimigay ng libreng gamot, salamin, simpleng operasyon, kasama ang serbisyong pang kagalingan katulad ng libreng gupit, facial, masahe at marami pang iba, ay ginawa sa ZONE 50 District 4 Brgy. 503 Sampaloc, Manila.

 

 

Ayon kay Nieto, ang mga medical mission na ito ay handog niya, kasama  ng Asenso Manileño at sa pangunguna ni Mayor Dra. Honey Lacuna, sa mga residente ng Lungsod ng Maynila para sa ikabubuti ng kanilang kalusugan at kagalingan. Bahagi nito ang mga councilors na sina Atty. Krys Bacani, Coun. DJ Bagatsing, Doc Louie Chua, Atty. Lady Quintos, Coun. Science Reyes, Coun. Joel “JTV” Villanueva.

 

 

“Importante para sa akin ang kalusugan ng tao, hindi lang dahil sa pag malusog tayo, hindi tayo madaling mahawa sa sakit at makakaiwas tayo sa mahal at magastos na mga gamot, kundi ang malusog na bayan ay malaki ang maitutulong sa pag-unlad  ng ating bayan” pahayag ni Nieto.

 

 

Kasama sa mga libreng serbisyong ibinigay noong April 1 ay check-up ng blood sugar at ihi, dental at optical, alis-kuto, anti-rabies, civil registry at legal assistance at marami pang iba. Bukod dito, mayroon pang libreng pagkain at raffle na ginawa noong medical mission. At lahat ng ito ay nagagawa na walang gastos ang gobyerno.

 

 

“Kaya ako po ay nagpapasalamat sa patuloy na pag suporta niyo sa mga medical mission na ito,  lalo na ang mga donors at volunteers sa kanilang tiwalang ibinibigay sa programang ito” sabi ni Nieto. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Manuel, Alaska Milk nagpapataasan ng ihi

    PAREHONG nagmamatigasan sa isa’t isa si Victorino ‘Vic Manuel at ang Alaska Milk kaya wala pa ring nangyayari sa inisyal na usapan para sa contract extension ng Aces baller patungo sa pagbubukas 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril  9.     Maaaring ikunsidera ng 33 taong-gulang, 6-4 ang taas na forward […]

  • Ads October 31, 2024

  • Direk Dado, all praises sa mag-sweetheart: KIM, nag-interview ng bulag at nag-boxing si XIAN para sa balik-tambalan

    MAS mature ang roles na ginagampanan nina Kim Chiu at Xian Lim sa comeback movie nila titled ‘Always’ directed by Dado Lumibao.   Binahagi nina Kim and Xian ang kanilang excitement para sa reunion project na ito.   Nag-post si Xian sa kanyang Instagram account na may caption na, “I missed you {Kim Chiu}. After […]