Nalubog ang kotse, apat na t-shirt lang ang naisalba… ANJO, muntik nang ma-trap sa basement dahil sa taas ng baha
- Published on July 26, 2024
- by @peoplesbalita
APAT na t-shirt lamang ang naisalba ng Kapuso weather reporter na si Anjo Pertierra matapos lamunin ng baha ang bahay niya sa Marikina City bunsod ng super-typhoon Carina na nanalasa sa Metro Manila at Luzon ngayong Linggo.
Kabilang si Anjo sa mga residente ng Marikina City na napilitang lumikas dahil sa mataas na pagbaha.
Mabilis nakapasok ang tubig sa kuwarto ni Anjo na nasa basement kaya hindi raw niya mabuksan ang pinto.
“Sa dami ng tubig sa loob at sa tindi ng water pressure,” kuwento pa ng guwapong reporter.
Umabot hanggang dibdib ang tubig to think na si Anjo ay may taas na 6’2”!
Sa kasamaang palad pa ay pati ang kotse niya sa garahe niya ay nalubog sa baha.
Nasaklolohan naman si Anjo at ang iba pang mga residente ng mga rescuers sa pamamagitan ng paddle boat.
“Wala akong naisalbang gamit.
“Ang nakuha ko lang, apat na t-shirt, gawa nga po ng sobrang bilis po ng pagtaas ng tubig sa aking bahay.
“Pero wala po talaga akong nasalba na kahit ano.”
Ang suot niya sa ‘Unang Hirit’ ay dala lang ng stylist ng programa para may maisuot siya pagsalang niya sa TV dahil kahit nasalanata ng bagyo ay nag-report pa rin si Anjo sa GMA.
Sa Facebook post ng GMA Public Affairs kahapon, July 25, 2024, naka-upload ang mga larawan ni Anjo habang nasa background niya ang Marikina River.
Ang caption sa post, published as is: ‘THANK YOU FOR SHOWING UP, ANJO!’
“Pinasok at lubog na sa baha ang bahay ni Anjo Pertierra sa Marikina. Ibinahagi rin niya na isang bag lang ang naisalba at naidala niya kahapon.
“Pero kahit lubos na naapektuhan ng bagyo, pumasok si Anjo at nag-duty para sa #UnangHirit para maghatid ng ulat tungkol sa bagyong #CarinaPH at habagat.
“Maraming salamat, Anjo!”
***
TWO years na nawala, nagbabalik-showbiz ang beauty queen-actress na si Kelley Day.
Mula sa GMA 7 ang humahawak na ng kanyang career ay ang 3:16 Media Network ni Len Carrillo.
Paano siyang napunta sa pangangalaga ni Ms Len na may connect sa Vivamax.
“Wala akong plan to re-enter showbusiness. Pero I knew that if may opportunity, na sabi ko sa mom ko, at sa boyfriend ko like..I will not..like go out of my way to find that opportunity kasi I guess, I have other things that I want to achieve also.
“But, if there’s an opportunity that attracts me, then I’m open to it.
“And then, ayun it happened na tumawag ‘yung mom ko sa akin. Sabi niya ‘I met someone I think, she likes to be your manager.’
“So, noong nag-meet kami ni ‘Nay Len, sabi ko, this is what I want.
“Kasi medyo ano ako..sa boundaries ko, sa limitations ko,” kuwento pa niya.
Ano ang plano niya sa kanyang career?
“I plan to venture into movies, and do some teleseryes again. Because I really enjoyed that at a time,” wika pa ni Kelley.
Pero ayon mismo kay Kelley ay hindi siya maghuhubad sa harap ng kamera.
“Hindi po ako magbi-Vivamax.”
Marami na ring beauty queen ang nagpaka-daring sa Vivamax pero ayon kay Kelley, 100% siyang hindi gagawa ng movie sa Vivamax at hindi tatanggap ng daring roles sa ngayon.
“Ayokong maghubad lang ako, just for the viewes. Kaunting pa-sexy. It really depends. Kasi, for me I have my own personal limitations.”
-
HEART, nagbuhay-reyna habang nagbabakasyon sila sa Amerika dahil kay Gov. CHIZ
FINALE week na simula ngayong gabi (January 3) ng GMA Primetime series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Sid Lucero, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie at Jaclyn Jose. Kaya excited na ang mga televiewers na malaman kung paano magwawakas ang serye na dinirek ni Dominic Zapata. Nagkaroon kasi […]
-
Junna Tsukii wagi ng gold medal sa world games
NAGWAGI ng unang gold medal sa 12th World Games si Filipina-Japanese Junna Tsukii. Inamin nito na muntik na siyang hindi ituloy ang laban na ginanap sa Birmingham, Alabama noong ito ay talunin ni Morales Gema ng Spain. Sinabi ni Karate chief Ricky Lim na labis ang pagkadismaya ni Junna ng makakuha […]
-
PBBM, nalungkot sa pagpanaw ni Sec. Toots Ople
LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople nitong Martes, Agosto 22. “It’s a very, very sad news. I have lost a friend. The Philippines has lost a friend,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam. “Ang galing-galing ni […]