Nalungkot at pinanghinaan ng loob sa viral post na withdrawal of support ng ilang heneral at opisyal ng military
- Published on April 21, 2021
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na labis siyang nalungkot at pinanghinaan ng loob nang makarating sa kanyang kaalaman na may ilang heneral at opisyal ang nagplano na mag-withdraw ng kanilang suporta sa kanya dahil sa kanyang posisyon sa pagsalakay ng mga tsinoy sa Philippine water.
“Talagang downhearted ako. If we cannot work together with . . . Maybe we cannot work together on bigger things. So what’s the point?” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.
Aniya, nagsumite sa kanya si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng dokumento na aniya’y “full of foolery” sa idinaos na command conference kasama ang mga pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Wala naman kina Pangulong Duterte at Lorenzana, ang nagpaliwanag hinggil sa nilalaman ng dokumento o kung sino ang nasa likod nito.
Binanggit din ng Chief Executive ang isang heneral na “point of concern” ng meeting, subalit hindi naman nya ito pinangalanan.
Sa kabilang dako, muling inulit naman ni Pangulong Duterte ang kanyang mga sinabi noon na kung ang pinuno ng mga sangay ng AFP ay hiniling sa kanya na bumaba siya sa puwesto ay kaagad siyang magre-resign at uuwi sa Davao City.
“Sinabi ko talaga sa kanila, ‘I do not work where I’m not needed. Then kayo na mag-explain, explain to the Filipino people bakit ganu’n’,” anito.
“If I cannot have the cooperation of the Armed Forces, then there’s no point in working for this government,” dagdag na pahayag ng Pangulo sabay sabing mas gusto niya na italaga ang mga retired military general bilang government officials sa halip na sibilyan.
Samantala, naging viral sa social media noong nakaraang linggo ang post na may 500 junior at senior military officers ang nais na tuligsain ni Pangulong Duterte ang naging pagsalakay ng China sa WPS at nalalapit na ang kanilang withdrawal of support.
Itinanggi naman kapuwa ng Department of National Defense at AFP ang alegasyon na na may ilang active at retired generals ang nag-withdraw na ng kanilang suporta kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)
-
Pinoy chessmaster Mario Mangubat nagkampeon sa FIDE World Senior
KINORONAHAN bilang bagong FIDE World Senior 65+ Rapid Champion si Filipino FIDE Master Mario Mangubat. Nagwagi kasi ang 66-anyos na Minglanilla, Cebu native sa Rapid tournament sa 32nd FIDE World Senior Chess Championship na ginanap sa Porto Santo Island, Portugal. Nagtala ng 4.5 points sa anim na laro para makuha […]
-
POC pres. Tolentino ipinagmalaki ang tagumpay ng mga atleta sa kanyang pamumuno
IPINAGMALAKI ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino na mayroong mga malalaking sporting events na asahan na dito sa bansa gaganapin. Muling nahalal kasi si Tolentino bilang POC president matapos na talunin ang dating basketbolistang si Chito Loyzaga sa botong 45-15. Sinabi nito na ang resulta ng halalan ay […]
-
UGNAYAN NG PSC, KAMARA PINATIBAY
WALANG problema para sa Philippine Sports Commission ang pagiging abala sa kaliwa’t kanang mga trabaho, matapos itong ipatawag ng Senate at Congress para sa serye ng hearings sa mga proposed bills sa sports. Inimbitahan ni Senate Committee on Sports Chairman Sen. Christopher Lawrence Go para sa Philippine Boxing and Combat Sports Commission consultative hearings […]