Nalungkot din sa hiwalayang Kathryn at Daniel: CES, kilalang-kilala si MARTIN kaya confident sa pagkatao nito
- Published on June 12, 2024
- by @peoplesbalita
NAKASAMANG muli ng beteranang aktres na si Ces Quesada sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ‘2 Good To Be True’ (2022) ng Kapamilya Channel, kaya nalungkot siya nang mag-break ang magkasintahan.
“Uy nalulungkot ako ha,” pahayag ni Ces nang makausap namin sa mediadon ng ‘Padyak Princess’ ng TV5.
“Alam mo si Kath at si Daniel nakasama ko ang mga iyan sa Princess and I (2012) pa, hindi pa sila noon.”
Dagdag pa ni Ces, “By the end of the series lang yata sila napapabalita noon. So ganung katagal ko na silang nakilala.
“Ngayon, nung narinig ko na ano, nalungkot ako kasi napaka-sweet ng dalawang iyon. Sila yung tipong alam mo naman na sikat na sikat pero sila yung unang bumabati sa iyo, walang hangin sa ulo palagi kang tinatanong kung kumusta ka na, ganyan-ganyan.
“So malungkot siyempre, na-shock ako siyempre kasi sa mga nakikita ko naman dati parang ano naman sila, maigi naman, oo.
“Hindi ko naman sila kasama panay-panay ano, pero ang tagal, tsaka kumbaga sa observation ko sa tuwing magsasama o magge-guesting kami e ayos naman.”
Sa tingin ba niya ay may tsansa pang magkabalikan ang dalawa?
“Naku hindi natin alam iyon. Kung magkabalikan well masaya siguro, maraming sasaya pero kung hindi man, siguro masaya din sila sa kani-kanilang desisyon.”
Kasama nga si Ces sa ‘Padyak Princess’, ang seryeng pinagbibidahan ni Miles Ocampo.
Nasa cast rin sina Ara Mina, Christian Vasquez, Cris Villanueva, Yayo Aguila, Gillian Vicencio, Jameson Blake, Jem Manicad, Joao Constancia, Karissa Toliongco, Kira Balinger, David Remo, and Miel Espinoza
Happy si Ces na pagiging freelance artist, na huling napanood sa ‘Maria Clara at Ibarra’ (2022) at ‘Royal Blood’ (2023) ng GMA. David
“Ay, siyempre masaya kasi alam mo naman na ang ating audience loyal tayo dapat sa ating audience at ang mga network e dapat… maganda nga ngayon at bati-bati na silang lahat, may collaboration.
“Ang talagang wagi diyan bukod sa aming mga workers sa industriya ay ang audience dahil nagsasanib-puwersa na silang lahat.
“Of course itong bago namang pamilya itong TV5 at siyempre masaya din naman ako dahil panibagong pamilya,” wika pa ni aktres na parte ng Artist Circle Management ng talent manager na si Rams David.
Ang ‘Padyak Princess’ ng TV5 ay napapanood Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. bago ang Eat Bulaga! sa TV5 at sa BuKo channel, 7:30 p.m.
***
PAMANGKIN ni Ces ang Kapuso hunk actor na si Martin del Rosario, at ayon sa aktres, malihim si Martin pagdating sa personal nitong buhay, tulad na lamang ng lovelife nito.
“Eversince,” lahad ni Ces, “wala pang ipinapakilala sa amin, hindi ko alam, kung dahil wala ba siyang nakikitang pangmatagalan or dahil alam niya na pag nakilala namin e talagang tatanungin namin ng kung anu-ano.
“Yang batang iyan wala talaga kaming nababalitaan. Pagka magkakasama kami at binibiro namin, aba’y tatawa-tawa lang.
“So kinakantiyawan naming madalas na, ‘Ano ba, kailan mo ba kami ipapakilala? Kahit… hindi mo naman pakakasalan kaagad.’
“Yung bang dyowa lang, kasi gusto naming kiligin… wala! Tawa lang ng tawa tapos, e darating din siguro tayo diyan, sabi ko, ‘Baka mamaya bibiglain mo lang kami.’”
Na bibiglain sila ni Martin na may nabuntis na pala ito, biro namin kay Ces.
“Ay sabi ko, ‘Dyusko ha, may mga pinsan kang babae, huwag kang ano!’
“Ibig sabihin alam natin na sa ganitong henerasyon ay iba na yung ano nila, pero ang sa akin huwag sasaktan ang babae.”
Hindi rin lingid sa kaalaman ni Ces na kinukuwestiyon ang gender o kasarian ni Martin.
“Alam mo si Martin, iyan ang isang malaking deadma na tao,” pahayag ni Ces tungkol sa isyu.
“Ako sa akin, alam ko ang totoong Martin, alam ko kung sino siya and I’m confident.”
“If ever, for the sake of argument, ito kaklaro ko ha, for the sake of argument,” pagdidiin pa ni Ces, “if ever, I mean sa akin, I will not think less of him. Kasi andami-dami kong friends na ganun ang gender, maayos silang tao.
“As long as you are a good person, gender does not matter.
“O baka ma-misquote ako niyan, ha?
“It is a non-issue for me kasi I know in my heart na hindi ganun si Mart. Nothing that would make me think na ganun siya.
“Pero in this day and age, gender should not be an issue anymore. I hope clear yun para hindi magkaroon ng doubt for those who would try to put malice into my stand on gender.
“My stand on gender is for all my friends and family and not only for Martin.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Walang face mask, arestuhin! — Duterte
Inatasan na ng Supreme Court (SC) ang lahat ng trial court judges sa buong bansa na suspindehin ang commitment orders sa mga kulungang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ito ang inisyung kautusan ni Court Administrator Jose Midas Marquez bilang hiling ng Interior Secretary Eduardo Año. Para kay Año’s, ito […]
-
Tiger Woods pangatlong atleta ng US na nasa billionaires list ng Forbes
KASAMA na si golf star Tiger Woods sa listahan ng bilyonaryo na manlalaro sa buong mundo. Inilabas ng Forbes magazine ang nasabing pagsali ni Woods sa billionaires list isang linggo ng masali si NBA star LeBron James. Base sa Forbes na aabot sa mahigit $1.7 bilyon ang yaman nito na karamihan […]
-
Aabangan naman kung kailan magaganap ang kasal: RIA at ZANJOE, kinumpirma na rin na engaged na sila
KINUMPIRMA na nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo kahapon, ika-20 ng Pebrero na engaged na sila. Sa pamamagitan ng kanilang Instagram posts, in-announce ng dalawa ang kanilang engagement, kalakip ang mga larawan, kasama ang bonggang engagement ring ni Ria. “Forever sounds good,” caption ni Ria, na may white heart at ring […]