Namamayagpag pa rin sa Netflix… Pinoy movie na ‘Lolo and the Kid’, patuloy na umaani ng papuri
- Published on August 22, 2024
- by @peoplesbalita
PATULOY na namamayagpag sa Netflix ang Filipino movie na Lolo and the Kid.
Kaugnay nito, patuloy din itong umaani ng papuri at iba’t ibang reaksyon mula sa viewers.
Sa social media, mababasa at mapapanood ang ilang review at komento ng mga Pinoy tungkol sa palabas.
Ngunit bukod sa mga Pinoy, tila hook na hook rin ang ilang international viewers sa heart melting story ng Lolo and the Kid.
Ilan sa kanila ay nag-upload ng videos sa TikTok, kung saan mapapanood ang kanilang crying moments habang pinapanood ang Filipino film.
Ang Pinoy na si @neymarchael, ipinakitang naiyak ang kaniyang girlfriend na isang Korean nang mapanood nito ang pelikula.
Sulat niya sa caption ng kaniyang post sa Tiktok, “I didn’t expect her reaction about the movie.”
Ang netizen naman na si @Ashley, mapapanood na may kasamang umiiyak habang pinapanood ang last part ng pelikula.
Sulat niya, “POV: You’re watching another Filipino drama film with us and feel all the feels by allowing yourself to ugly cry during the last [five] minutes of the movie.”
Ang Lolo and the Kid ay pinagbidahan ng award-winning Filipino actors na sina Joel Torre at Euwenn Mikaell.
Tampok din dito ang singer-actor na si JK Labajo na gumanap bilang binatang version ng karakter ni Euwenn.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Personal journey at baka ‘di na maulit: CHARLENE, first time pa lang makasama sina AGA, ATASHA at ANDRES sa isang show
FIRST time palang magsasama sa isang TV project ang mag-asawang Charlene Gonzalez at Aga Muhlach at ang mga anak nilang si Atasha at Andres Muhlach. Ito ay sa sitcom na ‘Da Pers Family’ ng TV5. Kaya pagkukuwento ni Charlene, “I would say for Aga and I, I could say Da Pers Family is a […]
-
Mylah Roque nasa Singapore
NASA Singapore si Mylah Roque, misis ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque para magpa-checkup sa karamdaman nito sa nasabing bansa. Ito ang kinumpirma nitong Miyerkules ni Quad Comm Chairman at Surigao del Sur 2nd District Rep. Robert Ace Barbers base sa report at rekord ng Bureau of Immigration (BI). “I cannot judge […]
-
Mga guro, sakripisyo muli sa maliit na pondo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections
https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/COMELEC-1280×720-1.pngKAILANGAN muling magsakripisyo ng mga guro na mamamahala sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023 makaraang labis na bumaba ang hinihinging dagdag na pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa Senado. Ito’y makaraang dumausdos sa P2.7 bilyon na lamang ang hinihingi ng Comelec para sa pagdaraos ng naturang halalan mula sa […]