• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Name dropping para matakasan ang batas o makahingi ng pabor sa pamahalaan, dapat gawing criminal offense

MARAMING enforcers na tapat na pinatutupad ang batas ay naaalanganin kapag ang kanilang hinuhuli ay nag na-name drop ng mataas na opisyal para takasan ang batas.

 

 

Sa traffic enforcement lang ay napakarami na ang nag viral na ang hinuhili ay nagpapakilalang kamag anak ni Heneral, ni Mayor, Senador o sino pang bigatin sa pamahalaan.

 

 

Minsan na nasangkot si Sen. Bong Revilla sa name dropping at ang resulta ay katakut-takot na pang ba-bash sa kanya sa social media gayung wala naman siyang kinalaman sa issue na kinasangkutan ng driver na nag name drop sa kanya.

 

 

Ganun din sa mga ibang Ahensya ng pamahalaan na nag na-name drop para makakuha ng pabor na hindi dapat.

 

 

Ang “name dropping” ay isang offshoot sa palakasan system na matagal nang umiiral sa pamahalaan. Kaya naman ang mga pobreng kawani ng pamahalaan na takot ay pagbibigyan sila.

 

 

Panukala ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay gawing criminal offense ito.

 

 

Kapag nag-name drop para matakasan ang batas o paghingi ng pabor, totoo man o hindi, nakilala o kamaganak ng taong pinagmamalaki, ay pwede siya makasuhan sa panukalang ANTI- NAME DROPPING ACT .

 

Kung maisasabatas ito ay mababawasan ang palakasan system at lalakas ang loob ng mga nagpapatupad ng batas dahil may masasandalan silang batas na magpapataw ng parusa sa mga name droppers.

 

Ang panukala ng LCSP ay ganito:
An Act penalizing the practice of NAME DROPPING for the purpose of evading an apprehension, seeking undue advantage in government whether the person name dropping is actually related or connected to the official being name dropped.

 

 

Kaya kapag ang isang tao ay hinuli dahil sa paglabag sa traffic at mag name drop para takasan ang huli ay hindi lang siya pananagutin sa violation ng apprehension, pwede rin siya kasuhan under the Anti -Name Dropping Act.

 

Ano po tinggin ninyo?

 

 

 

ATTY. ARIEL INTON

Other News
  • Ex-Pres. Arroyo, bagong Pres’l Adviser on Clark Programs and Projects – Duterte

    Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Presidential Adviser on Clark Programs and Projects.   Ito ang kinumpirma ni Sen. Bong Go.   Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Arroyo noong November 25.   Inihayag ni Sen. Go, piso ang matatanggap na kompensasyon ni Arroyo kada taon.   Magugunitang […]

  • Mga empleyadong 40-yr old pataas, ‘priority’ sa A4 vaccination – DOH

    Nilinaw ng Department of Health (DOH) na may susundin pa ring “prioritization” kapag nagsimula na ang COVID-19 vaccination sa A4 group o essential workers.     Ayon kay Health Usec. Leopoldo Vega, ituturing na priority sa vaccination ng essential workers ang mga manggagawang 40-years old pataas.     “Itong June na to, bibilisan ang A1 […]

  • TD ni Curry tunaw sa Heat

    NAGSALPAK  si Jimmy Butler ng limang sunod na puntos habang kumamada si Max Strus ng 24 markers sa 116-109 pagsunog ng Heat sa nagdedepensang Golden State Warriors.     Tumapos si Butler na may 23 points at may 19, 17 at 13 markers sina Bam Adebayo, Duncan Ro­binson at Kyle Lowry, ayon sa pagkakasunod, para […]