• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nanawagan sa mga magdiriwang ng Chinese New year na mahigpit na sundin ang mga health protocols

NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga magdiriwang ng Chinese New Year ngayong darating na February 12.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan naman ng gobyerno ang pagdiriwang ng Chinese New Year subalit kailangan na kaakibat nito ang mariing pagsunod sa mga health protocols tulad ng mask, hugas, iwas upang hindi kumalat ang Covid -19.

 

Sa kabilang dako, inanunsyo rin ni Sec. Roque na kasabay ng mahalagang pagdiriwang na ito ng mga kababayan nating Filipino-Chinese, binigyan na rin ng pahintulot ng Inter-agency Task Force (IATF) ang isang mall, na malapit sa Manila Bay na magkaroon ng fireworks display.

 

Ayon kay Sec. Roque, pupuwede naman aniyang ipagdiwang ang Chinese New Year basta’t siguruhin lamang ang kaligtasan laban sa Covid-19 lalo na’t nalalapit na ang pagdating ng bakuna kontra virus.

 

Batid naman ayon kay Sec. Roque ng karamihan na pawang mild at asymptomatic ang mga dinapuan ng sakit na ito subalit nagkaroon aniya ngayon ng kaunting pagtaas sa bilang ng mga pumapanaw kaya’t marapat lamang na pangalagaan at pakaingatan ang buhay ng bawat isa. (Daris Jose)

Other News
  • Senador itinulak ‘libreng matrikula’ ng mga gusto mag-abogado

    UPANG maitaguyod ang access sa quality legal education, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill 1610 na layong magbigay ng libreng tuition at other school fees sa mga “deserving law students” na nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs).     Kasalukuyang libre ang matrikula atbp. bayarin sa mga SUCs sa ilalim ng Republic […]

  • Presyo ng bigas sa merkado, tumaas ng hanggang P2/kilo kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo – DA

    TUMAAS ang presyo ng bigas sa merkado ng P1.50 hanggang P2 kada kilo kasunod ng pananalasa ng nagdaang bagyo ayon sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA).     Sa pinakahuling datos, nag-iwan ng malawak na pinsala ang matinding pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa parte ng Luzon kung saan umaabot sa P2 […]

  • Proud na proud na pinost ang video ng 3D ultrasound: LUIS, nagpasalamat na kamukha ni JESSY at ikatutuwa ni VILMA kung baby girl

    PROUD na proud ang soon-to-be daddy na si Luis Manzano na pinost sa kanyang IG account ang video ng 3D ultrasound ng first baby nila ni Jessy Mendiola.   Caption nga ng tv host, “Hi Baby Peanut! @senorita_jessy and i love you ❤️ thank you Lord kamukha ng Mommy!”   Agad namang nag-comment ang kanyang […]