• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nang makitang sobrang cute ni Maria; MAJA, game na game na mabuntis kahit sobrang nahirapan

ANIM na buwan namalagi si Maja Salvador sa Canada before, during and after niyang maipanganak ang baby nila ng Mister na si Rambo Nuñez na si Maria Reanna.
Sobrang nahirapan si Maja sa panganganak kaya parang payag si Rambo kung hindi na siya mabuntis muli. Pero sey ni Maja, nang makita raw niya ang anak na ang cute, game pa siya.
Pero malabo itong mangyari ngayon dahil balik sa pagiging host at actress si Maja sa mga pinirmahan niyang per project contract sa TV5.
“Gusto ko na sundan, kasi 37. Eh, pumirma ako ng kontrata, bawal pa pala. Siyempre magwo-work muna ako.
“So, kahit gusto kong sundan kaagad, e, magwo-work na lang muna ako kasi na-miss ko din naman po.”
Posibleng middle of 2026 na raw nila susundan si Maria, pagkatapos ng mga natanguan niyang commitments sa MediaQuest at TV5.
Gagawin ni Maja ang Season 5 ng Emojination na si Chad Kinis na ang co-host niya, dance show na Isayaw Mo, isang teleserye, at posieng isang pelikula.
At ang pasabog ni Maja, ang pagbabalik ng kaseksihan niya nang i-welcome siyang muli ng Beautéderm President and C.E.O. na si Ms. Rhea Anicoche-Tan. Limang taon na siya mabuntis muli Maja na ambassador ng Beautéderm as Blancpro face.
At muli nga siyang nag-renew. Hindi nakapagtataka dahil ibang level na rin ang closeness nilang dalawa.
Sabi nga ni Ms. Rei na “manang” kung tawagin ni Maja at madalas tawagan kahit noong nakapanganak na, ang kabutihan daw ng puso nito ang pinakagusto niya.
“Yung pagiging pure ng heart niya ang pinakagusto ko sa kanya. I consider myself fortunate to have made genuine friends in the entertainment industry. Outside of work, ang pinag-uusapan namin ang anak niya, si Maria. Proud ako na isa ako sa unang nakakita.
“She deserves a good family life, and I believe she is an encouragement to any woman who wish to start a family.”
Para kay Maja naman, malaki raw ang nahuhugot niya kay Ma. Rei sa tuwing kausap niya ito.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • 27-anyos na wanted sa murder sa Valenzuela, nalambat sa Leyte

    NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na wanted sa kasong murder sa Lungsod ng Valenzuela matapos makorner ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa probinsya ng Leyte.     Sa kanyang report Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila […]

  • RACHELLE ANN, first time na nag-celebrate ng birthday bilang isang ina; nagsimula na ang pagbabalik-’Les Miserables’

    TAHIMIK ang naging birthday celebration ni Rachelle Ann Go-Spies kasama lang ang kanyang husband and baby boy sa United Kingdom.      Nag-turn 35 years old si Rachelle noong August 31. Ito raw ang first time niyang mag-birthday bilang isang nanay na.     “35. My family is the best gift. God is so so […]

  • Ravena, ‘Pinas olats sa NZ

    NAWALANG saysay ang tikas nina Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at Dwight Ramos nang tambakan ang Gilas Pilipinas ng New Zealand Tall Blacks, 88-63, sa 2023 International Basketball Federation World Cup Asian Qualifiers sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City Linggo ng gabi.     Lumamang lang ang host Philippine quintet sa 5-4 sa opening period, […]