• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nangako ang mga ‘anak’ na susuportahan: AI AI, ipo-produce ang next installment ng ‘Ang Tanging Ina’

ISANG ABS-CBN insider ang nakapagsabi sa amin na nakatakdang i-produce ni Ai Ai delas Alas ang pagbabalik ng pelikulang “Ang Tanging Ina”.

 

 

 

Kumbaga ang comedy concert queen daw mamuhunan para sa bagong installment ng pelikula na pumatok nang husto sa mga sinehan noon.

 

 

 

Kasalukuyang makikipag-usap daw si Ai Ai sa mga bosing ng Star Cinema.

 

 

 

Sa report naman ng ABS-CBN news last Thursday ay inamin na raw ni Ai Ai na siya ang magsisilbing co-producer.

 

 

 

“Ako ‘yong magpo-produce. Kumbaga, partnership with Star Cinema. Nagtanong din ako sa Star Cinema kung magkano magagastos sa ganito, sa ganyan,” lahad naman ni Ai Ai.

 

 

 

Ayon pa rin daw sa aktres na hindi lang daw siya ang interesado pati raw ang mga naging anak niya sa movie.

 

 

 

“Actually, kinakausap ko na ang ‘yong mga anak ko, go naman sila. ‘Yong mga ‘Tanging Ina’ na anak ko kasi may chat group kami,” pagmamalaki pa ni Ai Ai. Pagbabalita pa ng Ms. A na tuwang-tuwa raw ang mga anak niya nang ibalita sa mga Ito ang nakatakdang pagpo-produce ng “Ang Tanging Ina”.

 

 

 

“Sinabi ko sa kanila, ‘kapag ba ginawa natin ito, go kayo?’ Sabi nila: ‘Oo Mama, go kami diyan.’ Sabi ko, ‘O sige, try natin, hahanap ako ng producer tapos gawin natin.’”kuwento pa rin ni Ai Ai.

 

 

 

Ang tinutukoy niyang mga “anak” ay sina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio at Yuuki Kadooka.

 

 

 

Sana lang matutuloy ang planong ito ni Ms. Ai Ai delas Alas.

 

 

 

***

 

 

 

SPEAKING of paggawa ng movie, may mga suhestiyon ngayon na dapat pangunahan ng mga sikat nating mga artista ang paggawa ng pelikula.

 

 

 

Kumbaga, kung nais daw na bumalik ang sığla ng pelikulang Pilipino ay dapat ‘yung mga sikat na may box office appeal ang mangunguna sa pag-produce ng movie.

 

 

 

May Balita rin na bukod kay Ai Ai ay may balak ding gumawa ng pelikula ang Star for All Seasons bago tuluyang pumalaot muli sa mundo ng pulitika..

 

 

 

Mukhang decided na raw kasi si Ate Vi na tatakbong gobernador ng Batangas this coming 2025.

 

 

 

May suhestiyon pa rin ang netizens sa grupong tatag na AktorPH na sana raw unahing gawan ng paraan na bumalik sa panonood sa mga sinehan ang tao.

 

 

 

Ang nangyayari ay tuwing Metro Manila Film Festival lang kasi nanonood ang tao, paano naman ang mga pelikulang pinalalabas bago mag-Pasko?

 

 

 

Kumbaga, kahit may kalidad ay nangamote pa rin sa takilya, huh!

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • DBM, nagpalabas ng mahigit sa P43B para sa Health Insurance para sa 8M senior citizen

    INAPRUBAHAN ng  Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman ang P42,931,355,000 para  i-cover ang one-year health insurance premiums ng mga senior citizens sa buong bansa.     “The  Special Allotment Release Order (SARO) and its corresponding Notice of Cash Allocation (NCA) were approved by the Budget Secretary on 04 April 2023,” ayon […]

  • DA, nagpaliwanag sa pagbaba ng suplay ng kamote sa PH; taas-presyo, pansamantala lamang

    NAGPALIWANAG  ang Department of Agriculture sa kakulangan ng suplay ng kamote sa Pilipinas.     Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban, talagang nagkukulang ang suplay ng kamote kapag panahon ng tag-ulan dahil hindi masyadong lalaki ang mga ito.     Subalit pagsapit naman aniya ng buwan ng Oktubre, Nobiyembre at Disyembre inaasahan na tataas na […]

  • PBBM, hindi pa nagtatalaga ng bagong Pagcor chief

    HANGGANG sa ngayon ay hindi pa rin nagtatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong pinuno ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).     Ang paglilinaw ng Malakanyang ay kasunod ng ulat na di umano’y itinalaga na ni Pangulong Marcos si Atty. George Erwin Garcia para pamunuan ang Pagcor.     Itinatwa ni […]