• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nangakong gagawa na ng teleserye… MARIAN, inaming gusto pa rin nila ni DINGDONG na magkaanak pa

AFTER ng first wedding ni Kapuso Drama Royalty na si Glaiza de Castro sa husband niyang si David Rainey, a businessman from Northern Ireland last October 12, 2021, muli silang ikinasal this time dito naman sa Pilipinas.  

 

 

Iyon kasi ang kasunduan nila, na mauuna silang ikasal sa Ireland, bago ganapin ang wedding naman nila sa Pilipinas, para makadalo ang mga relatives and friends ni Glaiza.

 

 

Ang ganda at ang sexy ni Glaiza sa napakagandang white modern Filipiniana wedding gown, na ginanap nila sa isang magandang private beach sa Olongapo, Zambales.

 

 

Kung noon ay immediate family lamang ni David ang dadalo, dumalo rin ang mga close friends nito, na ipinagpatahi rin ni Glaiza ng Filipino costumes.

 

 

Dumalo naman ang mga close friends ni Glaiza tulad ni Angelica Panganiban, at complete ang mga kasama niya sa GMA Korean adaptation ng “Running Man Philippines”  na sina Mikael Daez, Ruru Madrid, with girlfriend Bianca Umali; Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian and Buboy Villar.

 

***

 

 

GUSTO pa rin ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, kung ipagkakaloob ni Lord, na magkaroon pa sila ng third child.

 

 

Pero kung hindi na, wala na silang mahihiling pa sa ibinigay na sa kanila, ang 7-year-old daughter nilang si Zia at ang 3-year-old-son na si Sixto or si Ziggy.

 

 

Isa ito sa napag-usapan nina Marian, ang first guest ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.”

 

 

Una pa ngang tanong kay Marian ni Boy, kung magkakaroon muli sila ng anak ni Dingdong, boy or girl ba ang gusto niya, sagot ni Marian, “both.”

 

 

Sa tanong kung hindi na ba siya gagawa ng teleserye sa GMA-7, “meron, and this year, 2023, promise ko, na gagawa ako ng teleserye.”  Tiyak na ngayon pa lamang eagerly waiting na ang mga fans ni Marian, dahil since isilang niya si Zia, hindi pa muli siya nakagawa ng serye, maliban sa every Saturday, napapanood siyang host ng documentary on OFW’s, ang “Tadhana.”

 

 

Napapanood ang “Fast Talk with Boy Abunda,” daily, 4:05 – 4:25 pm after “Unica Hija.”

 

***

 

 

MGA close friends from showbiz ni Julie Anne San Jose, sina Michelle Dee at Ina Feleo, ang gustong ipasok ang Limitless Star, sa beauty contest.

 

 

Taglay daw nito ang beauty, talent at kaseksihan, at pasadong-pasado siya para sumali sa isang beauty contest.  Ayon kay Michelle, kayang-kaya raw sumali ni Julie Anne sa Binibining Pilipinas.

 

 

Pumayag kaya si Julie?  Sa ngayon kasi, Julie will turn 29 na on May 17, 2023.

 

 

At mukhang puno ang schedules niya dahil bukod sa on-going na ngayon ang “The Clash 5,” na Panel Hosts sila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz, nagsimula na rin silang mag-shoot ni Rayver ng kanilang first movie together at first movie rin ng GMA Public Affairs na “The Cheating Game,” na plano nilang isama sa coming first Summer Metro Manila Film Festival, this year 2023.

 

 

Tamang-tama namang matatapos na ang airing ng historical fantasy portal series ng GMA-7, ang “Maria Clara at Ibarra,” nina Barbie Forteza, Julie at Dennis Trillo, this coming February.  Kaya don’t miss ang lalong gumagandang episodes ng “Maria Clara at Ibarra,” na napapanood at 8PM, after ng “24 Oras.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • PBBM, sinertipikahan bilang urgent ang Konektadong Pinoy bill

    SINERTIPIKAHAN bilang urgent President Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasa ng batas na naglalayong magbigay ng ‘affordable at accessible internet connectivity’ sa mga mamamayang Filipino sa buong bansa.     Sa isang liham para kay Senate President Francis Escudero na may petsang Enero 27, nanawagan si Pangulong Marcos para sa agarang pagsasabatas ng Senate Bill 2699 o […]

  • Converge import Diallo nakabawi sa koponan para talunin ang NLEX 102-91

    BINUHAT ni Cheick Diallo ang Converge FiberXers para talunin ang NLEX 102-91 sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner’s Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.       Nagtala si Diallo ng 37 points at 18 rebounds at maitala ang tatlong panalo at dalawang talo na ng Converge.     Ikinatuwa ni Converge coach […]

  • Direk ERIK, muling makakatrabaho si SHARON at may movie rin sila ni BEA

    MARAMING bago at exciting na palabas ang dapat abangan sa UPSTREAM, ang  pinakamalaking online streaming platform na ginawa ng mga Pilipino para sa mga Pilipino.     Kabilang dito ay mga sure-fire box-office hits at mga originals, na ang ilan ay gawa ng multi-awarded at critically-acclaimed director na si Erik Matti.     Ang Upstream Original, […]