• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nanghihinayang nang ‘di nasamahan… ANDREW, apektado sa pagpanaw ni RONALDO na tinuring na ring lolo

MARAMI ngang nagulat sa biglaang pagpanaw ng beterano at premyadong aktor na si Ronaldo Valdez, kaya nagluluksa na naman ang entertainment industry.

 

 

Marami ring kapwa-artista ang may kanya-kanyang post na karamihan ay naging close at na-touch sa kabaitan ng aktor at isa si Andre Gan Calupitan na nakasama niya sa ‘2 Good 2 To Be’.

 

 

Sa kanyang FB post, ibinahagi ang photos at palitan nila ng mensahe at may caption ng…

 

 

“Tito Ron ang daya mo naman!
Sana pala nasamahan kita.
Gigimik pa tayo db?
Mag ba Baguio pa tayo ulit db?
Mamimiss ko un tatawag ka sakin ng biglaan para mag aya uminom ng 6pm ng hapon. Mamimiss ko un mga jokes and halakhak mo….

 

 

“You’re the lolo I never had.

 

 

“Salamat sa lahat tito. Salamat sa friendship and sa pagiging lolo mo sakin dito sa industry.

 

 

“Mahal kita and I will miss you.
Gabayan mo kami palagi dito ha.
Hangang sa muli tito Ron…
Miss na kita. SOBRA.”

 

 

Sa palitang naman ng mensahe dated December 8, mababasa na niyaya siya ng kanyang Tito Ron papuntang Pangasinan. Di lang siya nakasama dahil pabalik-balik ang lagnat niya. Yun sana na huling pagkakataon para makapag-bonding.

 

 

Our condolences to the family, rest in peace Lolo Sir.

 

***

 

KINORONAHANG Miss Teen International Philippines 2023 si Raveena Co Mansukhani noong November 13 sa Tanghalang Pasigueno.

 

 

Excited na si Raveena na may mixed Chinese-Filipino and Indian descent, na i-represent ang bansa sa Miss Teen International pageant na gaganapin sa India next year.

 

 

“As of the moment, I’m really busy preparing for the pageant. I am so excited and really hopeful that I would be able to bring home the crown,” pahayag ng dating child actress.

 

 

Umaasa si Raveena na siya ang magiging first Filipina Miss Teen International titleholder.

 

 

“Well, it’s my ardent wish but I also know that there is such a thing as destiny so I will just keep on working harder to make myself worthy of the crown.”

 

 

Ang dating child actress na lumabas na sa mga TV shows tulad ng ‘Tropang Kulit’, ‘Dyesebel’, ‘Half-Sisters’, ‘Dolphy’s Wonderland’, ‘Annasandra’, at ang focus niya ngayon ay nalipat sa self-development at empowerment sa pamamagitan ng pageantry.

 

 

“At first I was kind of hesitant. But now I realized pageantry offers a lot in terms of self-development. I want to inspire others to try and join pageantry because it helps build character. It also helps in honing your social skills and be more confident about yourself,” pahayag ng young beauty queen.

 

 

Pinili ni Raveena ang advocacy na tungkol sa mental health dahil sa mga struggles ng mga kabataang babae’

 

 

“Miss Teen International Philippines is a very good platform for young Filipino women eager to express themselves, share their talents, and impart their thoughts. It›s really empowering,” say pa ni Raveena.

 

 

Dagdag pa niya, “Because we are dealing with so much anxiety, insecurity…about our looks, how we are perceived by others…when I entered pageantry I became more aware of this. That’s why my advocacy is mental health.”

 

 

After ng kanyang competition next year, ipagpapatuloy pa rin niya ang pag-aartista, sa katunayan may nakuha na siyang mga projects.

 

 

Tuloy din ang pag-aaral niya sa kolehiyo dahil gusto niyang maging dentist.

 

 

Best of luck Raveena, bring home the crown!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Hold Me Close’: JULIA, kayang lumaban kina VILMA at JUDY ANN sa pagka-best actress

    PURING-PURI si Carlo Aquino ang kanyang leading lady na si Julia Barretto, para nakapahusay nitong pagganap sa kanilang 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Hold Me Close” na mula sa Viva Films.     Kayang-kaya raw ni Julia na makipagsabayan at lumaban kina Vilma Santos para ‘Uninvited’ at Judy Ann Santos sa ‘Espantaho’. […]

  • Pag-amin ni Duterte sa pananagutan sa mga pagpatay sa war on drugs, maaaring mag-trigger ng local, int’l prosecution – Abante

    NAGBABALA si Manila Representative Bienvenido Abante na ang pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa kanyang brutal na war on drugs ay maaaring maging daan para sa lokal at internasyonal na pag-uusig.     Ginawa ni Duterte ang pahayag sa ginanap na pagdinig sa Senado at […]

  • Lalaki todas sa aksidente sa trabaho sa Navotas

    IPINAG-UTOS ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging ang masusing imbestigasyon sa pagkamatay ng isang 34-anyos na lalaki dahil umano sa isang labor accident makaraang maiulat sa pulisya mahigit 24-oras matapos ang insidente.     Nabigong maproseso ng rumespondeng homicide investigators at mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang lugar kung […]