• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nanliligaw pa rin pero malapit na raw sagutin DERRICK, inaming si ELLE na ang gusto niyang pakasalan

IPINAGDIINAN ni Derrick Monasterio na “nanliligaw” pa rin daw ang status niya kay Elle Villanueva, sa kabila ng mukhang sila na naman.

 

 

Pero tingin naman daw niya, malapit na siyang sagutin ni Elle. Ang nagulat kami, being known as may pagka-playboy, kay Elle ay gusto na raw niyang ito na ang pakakasalan niya.

 

 

“As much as possible, gusto ko, siya na. ‘Yung gano’n.”

 

 

Sinabi ito ni Derrick sa contract signing nila bilang mga ambassadors ng Dermclinic, partikular ang Derm Plus Moisturizing Sunscreen.

 

 

“Oo,” pag-amin niya.

 

 

“Ang tanda ko na rin, e. Twenty-seven na ‘ko. Kung hindi ko pa rin mahahanap ang babae na para sa akin, magiging para na rin akong ibang actor na matanda na, pero bachelor pa rin.

 

 

“Living their life pa rin,” sey niya.

 

 

“Anytime soon, gusto ko na stable ako,” ang sagot naman niya kung kailan niya nakikitang magpapakasal.

 

 

Sa isang banda, inamin ni Derrick na noong ginagawa nila ni Elle ang “Return to Paradise,” may iba raw siya noon.

 

 

“May someone ako that time, pero dumating na medyo malabo na. Hindi na kami gano’n kasaya. Medyo nagdi-drift-apart.”

 

 

Diretsahan naman naming tinanong si Derrick kung hindi ba parang love in rebound ang nangyayari sa kanila ni Elle.

 

 

“Well, kung ganito ang feeling ng rebound, gusto ko ng magkaroon ng rebound palagi,” walang-gatol na sagot niya.

 

 

***

 

 

MASARAP talagang kausap si Mikoy Morales.

 

 

Naging live guest namin siya sa Marites University.

 

 

At dito nga, naitanong namin sa kanya kung ano talaga ang naramdaman niya noong time na nag-reformat ang “Bubble Gang” at isa siya sa natanggal.

 

 

Alam kasi namin na nakakasama na rin si Mikoy in-terms of creative ng show. Inamin naman niya na hindi siya magsisinungaling na naapektuhan din siya at napa-isip.

 

 

Alam naman daw niya ang nangyari at alam daw niya na hindi siya yung artistang malakas sa social media, pero do’n daw siya napaisip na as an artist, madali siyang mapapalitan.

 

 

Pero positive para kay Mikoy ang bagong project, ang stage play na “DickTalk” na produced ng VRoll Media. Para sa kanya, it’s a new avenue for him.

 

 

At sabi naman namin sa kanya, isa siya sa limang cast na talagang napakahusay naman bilang si “Cecil.”

 

 

Ang “DickTalk” ay magsisimula na sa RCBC Theater sa April 15.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • No such thing as COVID-19 vaccination exemption cards- Nograles

    HINDI magpapalabas ang pamahalaan ng COVID-19 vaccination exemption cards na naglalayong payagan ang mga hindi bakunadong indibiuwal laban sa coronavirus na lumabas ng kanilang bahay sa gitna ng nagpapatuloy na surge ng kaso.     Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles habang ipinatutupad sa Kalakhang Maynila ang “No Vax, […]

  • VENDOR NA TRIGGER HAPPY KALABOSO

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang ice vendor matapos arestuhin ng pulisya makaraang magpaputok ng baril sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Henry Gososo, 40 ng Block 7G Lot 3 Phase 3A1, Brgy. Longos.   Sa imbestigasyon nina PSSg Diego Ngippol […]

  • Stunt Coordinator Praises Working with Michelle Yeoh in ‘Everything Everywhere All at Once’

    TIMOTHY Eulich, the stunt coordinator for Everything Everywhere All at Once, details and praises what it was like working with Michelle Yeoh.     Written and directed by Daniels, the filmmaking duo of Dan Kwan and Daniel Scheinert, the new science fiction movie follows Yeoh’s character, Evelyn Wang, an aging Chinese immigrant who finds herself thrown […]