• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Napatunayang kabaligtaran ang nakarating sa kanya… KIRAY, gustong balikan isa-isa ang mga nagsabi ng paninira kay MARIAN

SA grand mediacon ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na nagbabalik-serye sa “My Guardian Alien”, ipinagtanggol ni Kiray Celis ang aktres tungkol sa mga kanegahan sa ugali nito at mahirap ding katrabaho.

 

 

Pinatunayan nga ni Kiray na fake news ito dahil siya mismo ang nakasaksi sa kabaitan ni Marian, na first time lang niyang makatrabaho sa isang bonggang teleserye ng GMA Network, kaya sobrang happy siya.

 

 

“Ako na ‘yung magsasabi. Siyempre kapag sinabi mong Marian Rivera, ang daming magsasabi sa ‘yo, ‘Naku, makakatrabaho mo si Marian. Good luck sa ‘yo.’

 

 

“May mga ganu’n di ba? Tatakutin ka, aanuhin ka, sasabihin sa ‘yo lahat ng hindi magaganda,” pahayag pa ni Kiray.

 

 

“Pero sa totoong buhay po, lahat ng nagsabi sa ‘kin nu’n, gusto kong balikan isa-isa kasi lahat po ‘yun mali. Lahat po ‘yun, kabaligtaran sa lahat ng sinasabi nila.”

 

 

Aminado naman si Kiray na mukha lang daw talagang “intimidating” si Marian pero napakabait daw nito.

 

 

“Kung gaano nila sinasabing nakakatakot, sobrang nakakatawa. Kung gaano sinasabi nila maldita, sobrang kulit. Yayain mo du’n sa gilid, hindi maarte. Sasabihin lang maarte, kabaligtaran po ‘yun sa lahat ng nakikita niyo,” sambit pa ng komedyana.

 

 

“Siguro ‘yun tingin lang niya, ‘yun hitsura niya, ‘yun mga pananamit niya, nakaka-intimidate. Pero pag nakatrabaho n’yo siya, kabaligtaran po ‘yun.

 

 

Kaya lahat kami nararamdaman ‘yun and very thankful kami na naka-work namin si Ate Yan,” dagdag pa niya.

 

 

Ang “My Guardian Alien” ay mula sa direksyon ng award-winning director na si Zig Dulay at kasama rito sina Gabby Concepcion, Raphael Landicho, Max Collins, Gabby Eigenmann, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, Kirst Viray, at Marissa Delgado.

 

 

Mapapanood na sa GMA Prime ang “My Guardian Alien” simula sa April 1 after “Black Rider.”

 

 

***

 

 

SABI nga nila, maraming kuwentong pag-ibig ang nabubuo mula sa pagkain. Ngayong Linggo (March 31), tuklasin ang iba’t ibang putahe ng pagmamahal sa espesyal na handog ng GMA Public Affairs na “Recipes of Love.”

 

 

Sa naturang drama special, tiyak bubusugin ng Recipes of Love ang mga manunuod sa mga kuwentong hango sa tunay na buhay at pagbibidahan ng ilan sa mga kilalang aktor ngayon.

 

 

Para sa unang recipe, susubukan nina Kapuso actress Katrina Halili at sought-after Sparkle actor Martin del Rosario na ipaglaban ang kanilang pag-ibig sa “Tortang Talong with Tuna.”

 

 

Single mother of two si Gemmalyn (Katrina). Nagsusumikap siya na palaguin ang maliit niyang karinderya para sa mga anak. Likas na mahilig magluto si Gemmalyn, kaya maging sa pagtitinda ay nag-iimbento siya ng simpleng mga recipe na binabalik-balikan ng kanyang mga customer. Isa sa mga sikat niyang lutuin ang tortang talong na may tuna.

 

 

Sa karinderya niya rin nakilala ang kaniyang kasintahang si Jonathan (Martin) na suki ng mga luto niya. Noong una ay bumibili lang ng ulam si Jonathan kay Gemmalyn, hanggang sa naging malapit ang loob ng dalawa.

 

 

Malaki ang pasasalamat ni Gemmalyn na nabiyayaan siya ng lalaking tinanggap ang pagkatao niya. Tanggap kasi ni Jonathan pagkakaroon niya ng dalawang anak.

 

 

Pero si Jonathan pala, mula sa mayamang pamilya na malawak ang mga lupain sa probinsya. Nang pinakilala ni Jonathan sa kaniyang pamilya si Gemmalyn ay tumututol agad ang mga ito.

 

Niyurakan nila ang pagkatao ni Gemmalyn at pilit nilang inilalayo kay Jonathan.

 

 

Kakayanin bang tiisin ng magkasintahan kung sukdulan na ang pagpapahirap sa kanilang dalawa?

 

 

Huwag palampasin ang unang putahe ng “Recipes of Love” na “Tortang Talong with Tuna” ngayong Linggo, March 31, bago ang “The Atom Araullo Specials” sa GMA Network.

 

 

Abangan din ang pangalawang kuwentong ihahain sa May 19 tampok naman sina Max Collins at Luis Hontiveros.

 

 

Maaari ring mapanood ng Global Pinoys ang “Recipes of Love” sa GMA Pinoy TV.

 

 

Para sa ibang updates sa GMA Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Aminadong ‘di talaga pang-showbiz: Rep. CAMILLE, isa rin sa na-hook at umiyak sa ‘Queen of Tears’

    AMINADO si Las Piñas Rep. Villar na hindi updated sa balitang showbiz, kaya siya raw makikitsismis, say niya sa mga nakatsikang press sa um-attend na pinatawag na get together.     Pero in na in siya sacsikat na Korean series, na tulad ng mga stars ay hook na hook rin siya sa panonood ng pinag-uusapang […]

  • Panukala na magsususpendi sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS aprubado sa komite

    Inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang mga panukala na naglalayong suspindihin ang pagtataas ng kabayaran sa kontribusyon ng Social Security System (SSS) ngayong 2021.     Ito ang House Bills 8317, 8304, 8313, 8315, at 8422 na pag-iisahin sa isang binuong technical working group (TWG) sa natrurang pagdinig.     Binigyang […]

  • Sobrang witty at pinayuhan na sumali na: Tweet ni JANINE sa pagkatalo ni CELESTE sa ‘Miss Universe’, kinaaliwan kaya nag-viral

    LAST Sunday, nag-viral din pala ang tweet ni Janine Gutierrez na, “As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s event.”     Kaya agaw-eksena rin siya bukod sa trending topic na #CelesteCortesi at #MissUniverse2022.     Ang “Lotlot” na tinutukoy ng anak ni Lotlot de Leon ay ginagamit sa showbiz […]