• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Narco-cops walang lusot, hahabulin kahit magretiro

TINIYAK  ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na kahit pa magretiro na ay hindi pa rin makakatakas sa imbestigasyon at prosekusyon ang mga tinaguriang narco-cops o yaong mga pulis na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

 

 

Sinabi ni Abalos na umaarangkada na sa ngayon ang case build-up laban sa mga hinihinalang narco cops.

 

 

Binigyang-diin ni Abalos na ang proseso na isinasagawa nila ay hindi magtatapos lamang sa pagtanggap sa courtesy resignation ng mga police officials na hinihinalang sangkot sa illegal drugs.

 

 

Ayon kay Abalos, gagamiting gabay ng 5-man Advisory Group at ang National Police Commission (Napolcom) ang mga ebidensiyang hawak nila sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga ito.

 

 

“The process does not end upon the acceptance of courtesy resignation,” ani Abalos.

 

 

“As I previously stated, even if a police official is allowed to retire for the time being, the monitoring and investigation must continue, to gather evidence that may lead to eventual criminal prosecution. We must always act within the rule of law. As a lawyer, I want to make sure that cases filed shall succeed and can withstand court litigation,” dagdag pa niya.

 

 

Tiniyak ni Abalos na ang retirement ng mga pulis, na may kinalaman sa illegal drug trade, ay hindi na­ngangahulugang absuwelto na sila dahil bubuo aniya ang departamento ng solidong kaso laban sa mga ito upang ma-prosecute ang mga ito. (Daris Jose)

Other News
  • Na-trigger sa comment ng netizen sa pagla-like ng ‘cheating post’: CARLA, ibinuhos na ang lahat ng galit pero nanahimik lang si TOM na durog na durog

    TAHIMIK pa rin ang actor na si Tom Rodriguez sa mga pinakawalang statement ng actress na si Carla Abellana laban sa kanya.       Napakahaba nang naging statement ni Carla bilang sagot sa isang netizen sa kanyang Youtube vlog. Ang comment ng netizen ay ang tungkol sa pagla-like ni Carla sa “cheating” post ni […]

  • Fernando, nanguna sa paglaban kontra vote buying sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paglulunsad ng multi-sectoral anti-vote buying campaign sa Lalawigan ng Bulacan ngayong araw upang makatulong sa pagsugpo ng pamimili ng boto at masiguro ang maayos, mapayapa, patas at inklusibong halalan sa darating na nasyunal at lokal na botohan sa Mayo 9, 2022.     Tinawag […]

  • Crowd estimates sa mga campaign rallies, “masamang” at “maling” basehan para sa resulta ng halalan

    MASAMA at mali na “panghawakan” o pagbasehan ng mga kandidato ang pagkapanalo dahil lamang sa dami ng tao na sumama sa kanilang campaign rallies.     Ito’y matapos na kitang-kita ang pagdagsa ng mga tao sa campaign sorties ng mga kandidato para sa May 9 national at local elections sa gitna ng coronavirus disease 2019 […]