• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasa gitna sa pagsasawalang-bisa ng kasal nila ni Tom: CARLA, hati ang opinyon sa kontrobersyal na isyu ng diborsyo

CONSERVATIVE si Carla Abellana, kaya hati ang opinyon niya sa kontrobersyal na isyu ngayon sa Pilipinas, ang gawing legal sa ating bansa ang divorce.

 

Hindi todo ang suporta niya sa usaping diborsyo, kaya nga lamang, si Carla mismo ay nasa gitna ng divorce proceedings dahil may nakasumiteng diborsyo sa Amerika ang dati niyang karelasyong si Tom Rodriguez.

 

Hindi rin lingid sa kaalaman ni Carla na maraming Pinoy ang nagdurusa sa pangit na relasyon pero walang magawa dahil nakatali ng kasal kaya halos fifty percent ng mga Pilipino, base sa survey, ay agree na isabatas na dito ang divorce.

 

Sa panayam kay Carla sa mediacon ng Widows’ War na upcoming primetime series nila ni Bea Alonzo, “It’s not new news, parang ilang beses na po na napag-usapan. Ilang beses na pong nag-attempt ang ating government, ang ating court na maipasa itong divorce bill.

 

“Vatican na lang at Pilipinas ang mukhang walang divorce, which shows anong society po, anong kultura meron tayo.

 

“Honestly, hindi ko alam… separation of state and church, but siguro they should listen more, yung ating public officials, they should listen to people, to the citizens kung ano ba talaga yung kailangan nila, gusto nila. Para dun sila mag-base,” seryosong sinabi ng Kapuso actress.

 

Sa tanong kung pabor ba o hindi si Carla sa diborsiyo…

 

“Medyo mixed din,” aniya.

 

“I wouldn’t say naman I’m pro-divorce, I wouldn’t say I’m anti-divorce.

 

“Parang ako din, medyo torn, given that I’m Roman Catholic.

 

“But ang napapansin ko at nararamdaman ko lang, personally, is ang dami nang sumisigaw na maipasa na siya, maging legal na siya.

 

“So, sana lang yon, mapakinggan na lalo na yung mga nangangailangan.”

 

Nahingan rin ng reaksyon si Carla tungkol sa ongoing divorce proceedings nila ni Tom sa U.S.

 

“Dito sa Pilipinas, ibang proseso po siya, e. Parang petition po siya, e. So, ongoing po yun.

 

“Kumbaga, yung ating local court, tatanggapin po nila yun. Kailangan po nilang i-recognize yung decree na yun, yung divorce decree.

 

“So, yun po ang parang gagawin na i-update yung status namin dito.

 

“Divorced po technically, pero dito po sa Philippines, in the process pa po yung pag-recognize po ng divorce decree.”

 

Annulment pa lamang ang legal sa Pilipinas.

 

Samantala, ang “Widows’ War ay” ipapalabas na simula July 1, 8:50 sa GMA Prime (delayed telecast 10:50 pm sa GTV) kung saan gaganap si Carla bilang si Georgina Balay at si Bea bilang si Samantha Castillo.

 

Sa direksyon ni Zig Dulay, kasama rin dito sina Tonton Gutierrez bilang si Galvan, Jeric Gonzales bilang Francis, Juancho Trivino bilang Abdul, Timmy Cruz bilang Mercy, Jackielou Blanco bilang Ruth, Lito Pimentel bilang Amando, Rita Daniela bilang Rebecca, Royce Cabrera bilang Jericho, Lovely Rivero bilang Vivian, James Graham bilang Louie, Charlie Flemming bilang Sofia, Matthew Uy bilang Edward at si Jean Garcia bilang si Aurora.

 

May special role sa Widows’ War sina Benjamin Alves bilang Basil at Rafael Rosell bilang Paco.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Relief goods lulan ng BRP Tubbataha nakatakdang ipamahagi

    Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha.     Ito ay matapos na makarating na sa Central Visayas ang naturang barko ng ulan ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang […]

  • ANGEL, mawawalan ng mga posibleng roles na puwede pang magampanan dahil sa laki ng itinaba

    SOBRANG laki na ni Angel Locsin.      May nakita kaming recent picture niya na kunsaan, naka-long dress ito at nagulat kami dahil ang laki ng itinaba niyang talaga.     Kung health related ang nagiging weight gain ni Angel, sana nga ay ma-address ito ng maayos dahil nakahihinayang din kung dahil sa paglaki ng […]

  • PARTIDO NI BBM NAGLUNSAD NG ‘BEST BET’ STRATEGY PARA SA OFWs

    Nitong Martes, naglunsad ng isang pangmatagalang plano ang partido ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang mapagbuti ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga migranteng Pinoy sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.   Iprinisenta ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) International Affairs Committee na pinamumunuan nila Chairperson Ms. Saidah Tabao Pukunum sa pamamagitan […]