• April 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasaid ang savings at wala ng pangkain: ABDUL, malaki ang pasasalamat sa ginawang pagtulong ni DENNIS

MARAMI ang hindi nakakaalam, pero malaki pala ang pasasalamat ni Abdul Rahman sa Kapuso actor na si Dennis Trillo.
Kung matatandaan, dumating na sa punto si Abdul during pandemic na na-stroke ang nanay niya, nasaid ang savings niya at talagang humingi na ito ng tulong pinansiyal.
At that time, nagkasama sina Abdul at Dennis sa primetime series na “Legal Wives.”
Kuwento ni Abdul, sa kawalan na raw talaga niya ng pera kahit para sa pangkain niya.
“I assumed, noong nakita po niya ang text ko, siyempre, nag-message po siya, ‘Hi Abdul, how are you? I’m sending this amount…”  Isang beses lang po akong nag-ask sa kanya, sa text, it was no’ng nagamit ko na po ang buong savings, pati donation sa mom ko for her hospital bills.
“It was this time na sobrang gipit ako and sabi ko, ‘Kuya Dennis, baka meron po kayong extra diyan, pang-food ko lang po ngayon. Tapos ‘yun po, nagpadala siya, just for me.
“Hanggang ngayon, thankful po ako. Kung wala po siya, I think, hindi ko po kinaya.”
Nakausap namin si Abdul sa Sosyal Place sa Lipa, Batangas kunsaan siya at ang ka-loveteam na si Shayne Sava nag-spend ng Valentine.
Kasabay na rin nito ang grand opening ng Artista Salon kunsaan, silang dalawa ay mga ambassadors.
***
SI Carren Eisteup ang pinakabagong dabarkads at host ng longest running noontime show na “Eat Bulaga” at hindi raw niya inaasahan talaga na siya ang tatanghaling winner ng “Bida Next.”
Sey ni Carren sa kanyang mini-presscon, “Hindi ko po talaga inexpect na ako ang matatawag sa grand finals. Kasi, Eat Bulaga po ‘yon, it’s so famous and ang gagaling din po ng mga kasama ko, pero hindi ko naman po dina-down ang sarili ko. I just kept on going and thankful din po ako sa mga fan ko at supporters ko and to my agency.”
Ang agency na tinutukoy ni Carren ay ang Merlion Entertainment.
Sa edad na 14, masasabing beterano na rin si Carren sa iba’t-ibang singing contest mula pa noong bata siya sa Cebu. Kabilang na rito ang WCOPA (World Championship of Performing Arts) noong 2018 kunsaan, walang gold medal at pitong plake as division champion by singing and playing the piano.
Sumali rin siya sa iba pang singing contest sa TV at maituturing niyang talaga na ang panalo niyang ito sa Bida Next ang magiging breakthrough for her.
Sa ngayon, ang si Carren ang tinatawag na Miley Cyrus ng Pinas na si Carren ay napakaraming talentong kayang i-offer. Mula sa singing, dancing at nagwo-workshop na rin siya sa acting.
Ang EB na ang pinakabonggang workshop niya pagdating naman sa hosting. Kaya ‘di nakapagtatakang malayong pa talaga ang mararating niya.
Sa Manila na siya naka-base ngayon at may bongga rin siyang panimula with her P500,000 cash prize, a brand new Next Gen Ford Ranger plus a million pesos worth of contract with “Eat Bulaga.”
(ROSE GARCIA)
Other News
  • PBBM nagtalaga ng bagong mga hepe ng AFP, PNP at NBI Director

    OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Bartolome Vicente O. Bacarro, commander ng  Armed Forces the Philippines – Southern Luzon Command bilang bagong AFP chief of staff.     “The change of command for the new AFP chief of staff will be on August 8. This will give time for Gen. […]

  • MMDA, nagbabala ng mabigat na daloy ng trapiko simula ngayong Hunyo

    DAPAT nang asahan ng mga motorista ang mabigat na daloy ng trapiko simula sa susunod na buwan ng Hunyo.     Ito’y bunsod ng posibleng pagpapatuloy ng face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa.     “Before elections nag-conduct kami ng volume count. Ang lumabas sa aming bilang, 400,000 which is sa EDSA. It is […]

  • Bulacan, ipinagdiwang ang LGBT Pride

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bitbit ay matitingkad na kulay at pagkakaroon ng malaking bahagi sa buong linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2022, ipinagdiwang ng LGBT Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang LGBT Pride sa isinagawang SIBOL: The 2022 LGBT Bulacan Summit na may temang “Synergy of Inclusive Growth in […]