• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasawi sa bagyong ‘Egay’ sumirit sa 29; Nasalanta lagpas 3-M na — NDRRMC

PAPAAKYAT pa rin ang bilang ng mga binawian ng buhay buhat ng nagdaang Super Typhoon Egay at pinalakas nitong habagat, ito habang aabot na sa halos 300,000 ang lumilikas mula sa kanilang mga tahanan.

 

 

Ito ang ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong tumabo na sa 3.02 milyon ang naaapektuhan ng bagyo kabilang ang:

patay: 29

sugatan: 165

nawawala: 11

lumikas: 287,057

nasa loob ng evacuation centers: 57,226

nasa labas ng evacuation centers: 229,831

 

 

Nakapagtala ng 1,062 insidente ng pagbaha, pagguho ng lupa, atbp. sa sari-saring bahagi ng bansa buhat pa rin ng sama ng panahon.

 

 

Naiulat ang mga nabanggit sa mga sumusunod na lugar:

Ilocos Region

Cagayan Valley

Central Luzon

CALABARZON

MIMAROPA

Bicol Region

Western Visayas

Eastern Visayas

SOCCSKSARGEN

Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao

 

 

Inilagay na sa state of calamity ang nasa 232 lungsod at munsipalidad buhat ng bagyo, bagay na nagbibigay sa pamahalaan ng kapangyarihang magpatupad ng price free sa mga nasabing lugar.

 

 

Umabot na sa P3.63 bilyon ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo sa imprastruktura, maliban pa sa 56,694 kabahayang nasira nito.

 

 

Samantala, nasa P1.95 bilyong halaga ng pinsala naman na ang naitatamo ng bagyo sa sektor ng agrikultura na siyang nagpapaaray na ngayon sa nasa 117,033 magsasaka at mangingisda.

 

 

Apektado nito sa ngayon ang nasa 143,429 mahigit na ektaryang taniman. Bukod pa ito sa nasa P173.86 milyong cost of damage na naitamo sa livestock, poultry at mga palaisdaan.

 

 

Nakatanggap naman na ng P248.32 milyong halaga ng ayuda ang naibibigay sa mga nasalanta, bagay na inihanda ng Department of Social Welfare and Development, local government units, non-government organizations, Office of Civil Defense, mga pamahalaang panlalawigan atbp.

 

 

Huwebes lang nang manawagan ang Amihan national, isang organisasyon ng mga babaeng pesante ng P25,000 ayuda sa pagtatanim upang makatulong sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng bagyo. (Daris Jose)

Other News
  • Valenzuela LGU, magbibigay ng educational sa incentives graduating students

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng educational incentives sa mga graduating students sa pampublikong elementarya at senior high school para matulungan at kilalanin ang kanilang pagsisikap na maging mahusay sa kanilang pag-aaral.     Aabot 16,252 graduating students ang makakatanggap ng educational incentives na nagkakahalaga ng Php1,500 sa ilalim ng Ordinance No. 551, Series […]

  • Ads May 6, 2021

  • Gobyerno, may ginagawa nang paghahanda para matiyak na hindi makapapasok sa bansa ang bagong variant

    TINIYAK ng Malakanyang na may ginagawa nang paghahanda ang pamahalaan para masigurong hindi makapapasok sa bansa ang napaulat na bagong variant ng COVID-19 na Lambda variant na una ng natukoy sa Peru.   “Alam mo, lilinawin ko pa ho. Kahit ano pang variant ‘yan, kapareho po ang ating katugunan. Unang-una, iyong ating border control, pinagbabawalan […]