Nasimulan at ipinaglalaban ni Cong. ALFRED, ipagpapatuloy ni Konsehal PM
- Published on October 6, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSUMITE na ng Certificate of Candidacy ang kapatid ni Congressman Alfred Vargas na si Konsehal PM Vargas sa pagka-kongresista ng 5th District ng Quezon City nitong Lunes, Oktubre 4.
Sinamahan ni Alfred ang kapatid at masayang-masaya niyang ibinalita na lahat ng sinimulan niya sa kanilang distrito ay ipagpapatuloy ni PM.
Aniya, “I am proud of PM. He is a natural when it comes to connecting with people and he has an instinct for feeling and understanding their needs. Mataas rin ang ’empathy quotient’ niya. Minana namin Kay Mommy.”
Si Konsehal PM ang papalit sa puwesto ni Cong. Alfred na naka-tatlong termino bilang Representative ng 5th district of QC.
Sabi pa ni Alfred, “His decision to run for a congressional seat made me emotional on so many fronts. Naalala ko si Mommy and how she would have been proud of her youngest son.
“Public service is one of her legacies which has inspired all her children not only to be of help to the less fortunate and disadvantaged but to effect positive change.
“Si PM ang isang matibay na sandalan ko sa tatlong termino ko bilang kongresista. He would support me in all my initiatives no matter how unpopular they may be. Pag kailangan, dapat may pagkilos anuman ang balakid, he would reassure me.
“Kinausap niya ako bago siya nag–file ng COC, sabi niya, ‘dapat pang ituloy ang lahat ng iyong ipinaglalaban, Kuya. I understand your cause and vision. And because of that, I will run. Your positive effect on the lives of our ka-distritos has to continue. I will do it for your constituents. You and I owe them that.’ Then I knew, my brother and I are one.
“I am supporting his candidacy because I believe in what he stands for. I’ve known him all his life. We come from the same tree and the fruit never falls far from it. I am proud of PM but I am sure Mom and Dad are even prouder of him.”
***
APAT na bagong YouTube shows mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ang magbibigay ng saya, kilig, at katatawanan sa viewers ngayong Oktubre bilang bahagi pa rin ng “Kapamilya YOUniverse” experience.
Kung nahihirapang bumangon sa umaga, i-stream lang ang “Happy Pill” tuwing 8 AM mula Lunes hanggang Linggo. Lalamanin nito ang iba’t ibang inspirational quotes at motivational words para maghatid ng good vibes at lakas ng loob na simulan ang araw.
Maaaliw naman habang natututo ang viewers sa “IQ Ang Nagwagi,” isang quiz show kung saan mag-iikot si Alora Sasam sa iba’t ibang ABS-CBN shows para magtanong ng sari-saring trick questions. Sumama na sa sagutan at kulitan kasama ang iba’t ibang Kapamilya stars tuwing Sabado, 6 PM.
Kakaibang movie experience naman ang ihahain ng anthology series na “Mashing Machine” kada Lunes tuwing 6 PM. Sa bawat episode nito, ipagsasama-sama ang mga eksena mula sa iba’t ibang patok na teleserye at ipagpapares ang iba’t ibang Kapamilya stars para makabuo ng isang bago at nakakaaliw na kwento.
Napapanood na ngayon ang unang “Mashing Machine” episode na “A Soldier’s Love” tampok sina Gerald Anderson at Ivana Alawi, samantalang sina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at James Reid naman ang magpapakilig sa “My Hokage Love” sa susunod na linggo. Bibida rin sa susunod na episodes sina Daniel Padilla, Liza Soberano, Nadine Lustre, Jodi Sta. Maria, at Coco Martin.
Pwede ring tumakas at bumyahe sa iba’t ibang bahagi ng mundo kasama sina André Brouillette, Fumiya Sankai, at Gabby Sarmiento sa “Hello World!” simula Oktubre 7. Makilakwatsa at maki-food trip kasama ang dating “PBB” housemates sa USA, Japan, at Italy, at alamin mula sa kanila ang masasayang experiences na pwedeng ma-enjoy sa mga lugar na ito tuwing Huwebes, 5 PM.
Itatampok naman sa susunod na season ng “Secret Movie Files” ang mga trivia at sikreto sa paggawa ng 2017 suspense thriller na “Bloody Crayons” kasama ang cast at crew nito. Imbitahan na ang buong barkada sa maagang Halloween celebration para panoorin ang unang limang episodes nito sa Oktubre 24, 2 PM kasabay ng libreng pagpapalabas ng buong pelikula sa YouTube.
Ang “Made for YouTube” shows na ito ay bahagi ng lumalaking Kapamilya YOUniverse, ang pagsasama-sama ng iba’t ibang YouTube channels ng ABS-CBN para maghatid ng entertainment, musika, pelikula, at balita. Ang ilan sa “Made for YouTube” titles na ekslusibong napapanood sa YouTube ay ang “MMK Shorts: Beyond the Lens,” “It’s Showtime All Access,” “Chikatitas,” “The Music Room,” “He’s Into Her Extras,” “Gold School,” “Dear MOR,” “Gapnud sa Kinabuhi,” “Bedtime Stories,” at “MOR Playlist.”
Tumuloy na sa Kapamilya YOUniverse sa YouTube at mag-subscribe sa ABS-CBN Entertainment, ABS-CBN Star Cinema, ABS-CBN Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, ABS-CBN It’s Showtime, at One Music PH.
(REGGEE BONOAN)
-
3 drug suspects nadakma sa buy bust sa Malabon, Valenzuela
KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bebot matapos madamba sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Dan Patrick Lumagbas alyas […]
-
Serye nila ni Alden, umabot na sa 100M views: BEA, dalawang projects ang sisimulan sa pagbabalik mula Spain
EXCITED na ang mga netizens na mapanood ang “Mano Po Legacy, The Flower Sisters” na magiging tampok sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino at si Angel Guardian as the Chua sisters. Nagpatikim na kasi ang GMA Network at Regal Entertainment sa pamamagitan ng full trailer ng serye dahil napapanood na ang ilan […]
-
Inaabangang national costume ni RABIYA nairampa na, #AribaRabiya agad na nag-trending
NAIRAMPA na ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang inaabangan na national costume niya para sa 2020 Miss Universe National Costume Show. Parang mala-Victoria’s Secret Angel si Rabiya na effortless na nirampa ang mabigat na costume na inspired ng Philippine flag: blue color representing royalty, red for the courage and strength of an […]