• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NASITA SA FACE MASK, OBRERO KALABOSO SA BARIL AT SHABU

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang 48-anyos na construction worker matapos mabisto ang baril at shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 3 Commander PMAJ Tessie Lleva ang naarestong suspek na si Eric Lian, ng 171 A. Fernando St., Brgy., Marulas.

 

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Glenn De Chavez, dakong alas-4:15 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng SS3 sa ilalim ng pangangsiwa ni PMAJ Lleva sa kahabaan Bai Compound, Brgy. Marulas nang sitahin nila ang suspek dahil walang suot na face mask na malinaw sa paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

Nang lapitan ni PCpl Bernie Badia-on para isyuhan ng ordinace violation receipt (OVR) ay kumaripas ng takbo ang suspek na naging dahilan upang habulin siya ni PCpl Reymon Evangelista hanggang sa makorner at maaresto.

 

 

Nang kapkapan, narekober sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P3,400 ang halaga, isang cal. 22 revolver, apat na bala at holster.

 

 

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA 9165, Art 151 of RPC at RA 10591 (Comprehensive law on firearms and ammunitions) in relation to Comelec resolution number 10728. (Richard Mesa)

Other News
  • TUGADE: AYUDA SA MGA TSUPER, ISINUSULONG NG DOTR, LTFRB

    Imbes na direktang pagtataas ng pamasahe na makaka-apekto sa higit na nakararaming pasahero, isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya.   Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, itinutulak ng DOTr at LTFRB ang […]

  • Huwag agad maniwala sa ‘fake news’ – Comelec

    MULING  nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na huwag agad-agad maniniwala sa mga kumakalat na ‘fake news’ lalo na sa social media.     Kasunod ito nang pagkalat umano ng mga video na may ilang mga guro mula sa Sultan Kudarat ang nilalagyan na ng shade ang mga balota kahit na ipinagbabawal ito […]

  • PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting

    PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting para pormal na makapagpa­alam bago ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo.     Sa meeting sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao, nagpasalamat si Duterte na ika-16 pangulo ng bansa, sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ngayong nalalapit na ang May elections at […]