• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasita sa helmet, rider buking sa droga sa Valenzuela

KALABOSO ang 42-anyos na factory worker matapos mabisto ang dalang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), RA 10054 (Motorcycle Helmet law of 2009), Section 19 at 15 of RA 4136 (Failure to carry Driver’s License and OR/CR) ang naarestong suspek na si alyas “Jerome”, ng N. De Galicia Street, Brgy. Maysan.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., habang nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga tauhan ng Police Sub-Station 9 sa pangunguna ni P/Cpt., Ritchie Garcia sa Sabino Alley, Brgy. Maysan nang parahin nila ang suspek dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo dakong alas-11:55 ng gabi.

 

 

Hinanapan ng mga pulis ang suspek ng driver’s license at nang kunin niya at buksan ang kanyang coin purse ay nakita ni PCpl Noreen Muldong ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

 

 

Kaagad siyang inaresto ng mga pulis saka kinumpiska sa kanyang na nasabing droga na nagkakahalaga ng P4,760 at nadiskubre din ng pulisya na walang driver’s license ang suspek at certificate of registration sa minamaneho niyang motorsiklo kaya binitbit siya sa selda. (Richard Mesa)

Other News
  • Everyone’s Favorite Feline Returns In “Puss in Boots: The Last Wish’

    THIS holiday season, everyone’s favorite leche-loving, swashbuckling, fear-defying feline returns.     For the first time in more than a decade, DreamWorks Animation presents a new adventure in the Shrek universe as daring outlaw Puss in Boots discovers that his passion for peril and disregard for safety have taken their toll.     A hero […]

  • 26 Chinese militia vessels namataan sa Ayungin Shoal

    IBINUNYAG ng Philippine Coast Guard na mayroong nasa 26 na mga suspected Chinese maritime militia ang muling nakita malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.     Sa inilabas na larawan ng coastguard mula sa Maritime Domain Awareness flight na kinukumpirma ang pagkakaroon ng 26 na suspected Chinese maritime militia at Chinese Coast Guard. […]

  • Matapos magdesisyong hiwalayan ang asawa: CAI, walang natatatanggap na child support kaya kayod-marino

    TOTOO pala na hiwalay na ang komedyanteng si Cai Cortez sa Tunisian husband nito na si Wissem Rkhami.     Kinasal ang dalawa noong 2016 at meron silang dalawang anak. Ayon sa kuwento ng aming source, taong 2021 daw noong magkaroon ng problema sa pagsasama ng dalawa na nauwi na sa hiwalayan.     Sa […]