NASYUNAL AT LOKAL MAGTULUNGAN SA PAGBIBIGAY NG HANAPBUHAY
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
DAPAT magtulungan ang national at local government units upang mapalakas ang pagbibigay ng hanapbuhay at mabigyan ng kaalaman ang mga manggagagawa.
Sinabi ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III nang pangunahan nito ang pagpapasinaya ng Bulacan Public Employment Service Office (PESO) building sa Malolos, Bulacan.
Pinasalamatan naman ng kalihim si Bulacan Governor Daniel Fernando sa pagtitiyak na ang programa at serbisyo ng DOLE ay makakapagbigay ng trabaho sa mga jobseeker sa pamamagitan ng PESO.
Kasabay nito,. hinamon din ng kalihim ang Bulacan Provincial PESO na isulong ang buong institusyonalisasyon ng natitirang 17 LGU-based PESO sa kanilang lalawigan. (GENE ADSUARA)
-
Pinas, planong gamitin ang mining revenues para sa Maharlika Investment Fund
PLANO ng Pilipinas na tapikin ang mining industry para tumulong na suportahan ang nililikhang sovereign wealth fund. Habang sinimulan na ng 18-member government delegation ang World Economic Forum annual meetings hinggil sa global pitch para sa Maharlika Investment Fund (MIF), Ipinaliwanag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang konsepto ng sovereign wealth fund […]
-
Mataas na palitan ng piso vs dolyar, ramdam na ng mga OFW
NARARAMDAMAN na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar. Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso […]
-
Kung may nais na maulit sa kanyang buhay: KC, gustong maging best friends ulit sila ni SHARON
KUNG si KC Concepcion pala ang tatanungin kung ano ang part ng buhay niya na gusto niyang maulit, ano iyon? Natuwa si KC nang itanong sa kanya iyon, nang minsan makausap siya, the other day sa “Updated with Nelson Canlas.” Ang sagot ni KC: “wow, good question! Gusto kong maging best […]