• January 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Natakot sa bilis ng takbo ng relasyon: JENNIFER LOPEZ, ni-reveal kung bakit ‘di natuloy ang kasal nila ni BEN AFFLECK noong 2004

NAG-FIRST taping na ang award-winning child actor na si Euwenn Mikael para sa kanyang first TV lead role sa upcoming inspirational drama series ng GMA na ‘Forever Young’.

 

 

Sa Instagram, ipinakita ni Euwenn ang ilang behind-the-scenes photos na kuha sa unang araw ng taping niya.

 

 

Kuwento ito ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10-year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

 

 

Makakasama ni Euwenn sa serye sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.

 

 

***

 

 

KINUWENTO ng Kapuso hunk na si Royce Cabrera ang kanyang simula bilang extra sa showbiz.

 

 

Ayon kay Royce, ang maghintay siya ng buong araw sa labas ng isang convenience store sa tabi ng GMA Network para sumalang bilang talent ang hindi niya nakakalimutan dahil hindi pala siya kasama sa listahan ng extra.

 

 

“Halos isang buong araw ako sa may 7-Eleven sa baba. Kasi talent-talent po ako nun. So, parang hintay lang ako. Hanggang sa parang hindi na pala ako naisama sa lineup. Gusto ko mag-artista. Kahit daan lang sa likod, okay lang ‘yan.”

 

 

Isa sa tumatak na proyekto ni Royce ay ang independent film na ‘Fuccbois’ (2019), kung saan nakasama niya ang kanyang kaibigan at kapwa aktor na si Kokoy De Santos.

 

 

Kelan lang ay nakatanggap si Royce ng  award bilang  Best Performance in a Lead Role (Male or Female-Single Performance) mula sa 7th GEMS Awards dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang isang drag queen sa episode ng Magpakailanman o #MPK na pinamagatang “Born to be a Queen: The Edwin Luis Story.”

 

 

Naging sulit naman daw ang pagiging extra ng aktor dahil dumating din ang magandang opportunity na makontrata siya sa Sparkle GMA Artist Center at lumabas na siya sa malalaking teleserye ng GMA tulad ng ‘Nagbabagang Luha’, ‘Start-Up PH’ at ‘Makiling’.

 

 

***

 

 

NI-REVEAL ni Jennifer Lopez ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila noon ni Ben Affleck in 2004.

 

 

Natakot daw si J.Lo sa bilis noon ng takbo ng relasyon nila ni Ben. Na kapag kinasal sila, baka mauwi lang sa hiwalayan.

 

 

“I knew that I wanted to be with him for the rest of my life. I knew that. But it didn’t feel like we were going to make it, and so it scared me. It was very hard…

 

 

“Then we went and we both found other people and had beautiful children and had other families and had other relationships after that, and it wasn’t until both of us had done, you know, for me, a lot of work and gotten to a place where I was like, you know what, I’m totally good on my own. That’s when he showed back up,” say ni Lopez na kinasal din sa aktor noong 2022.

 

 

Ang bagong album ni J.Lo na ‘This Is Me… Now’ ay tungkol sa love story nila ni Ben.

 

 

“We feel very good about where we are right now. We have five kids, which is so much more important than any of the other b*ll. We want them to be good,” sey pa ni Lopez na magsisimula ng kanyang tour sa summer 2024.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION

      THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION As we face life’s challenges…in the midst of our busyness… we are invited to take an opportunity to reflect on the personal meaning of God’s love and passion in our lives. The Lord’s Flock invites everyone to a 3-Day Lenten Recollection. Holy Wednesday, April 5, 6:30-8:30pm ; […]

  • PBBM pinatitiyak sa DENR na magkaroon ng access sa malinis na tubig ang 40-M Filipinos

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga concerned agencies ng gobyerno na tutukan ang nasa 40 million Filipinos sa bansa na hanggang ngayon wala pa ring access sa portable water. Sinabi ng Pangulo na nais nito na sa lalong madaling panahon mabigyan na ng fresh waters ang mga kababayan natin. Inihayag naman ni Dr. […]

  • 6th Navoteño film festival at 5th Navoteño photo competition

    KASAMA si Mayor John Rey Tiangco, masayang nagpakuha ng larawan ang mga Navoteñong nagwagi ng award matapos ang kanilang ipinakitang mga talento at kasanayan sa paggawa ng pelikula at photography sa ginanap na 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo ng pagiging lungsod […]