National athletes komportable sa ‘Calambubble’
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
Komportable at walang anumang problema ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Dalawang linggo matapos pumasok sa ‘bubble’ training ay nasasanay na ang mga national boxers, taekwondo jins at karatekas sa kanilang bagong kapaligiran.
“It’s great here po,” ani national karatedo team member Jamie Lim.
Nagsasanay ang nasabing tatlong national squads para sa mga lalahukang qualifying tournaments ng 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Kasama ni Lim, ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist, sa ‘Calambubble’ sina national karatekas Alwyn Batican, Ivan Agustin at Sharief Afif.
Nakatakdang sumabak ang national karatedo team sa Olympic qualifying tournament sa Paris, France sa Hunyo 11-13.
Kagaya ng mga karatekas ay wala ring reklamo ang mga national boxers at taekwondo jins sa kanilang ‘bubble’ training.
Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno pa lamang ang mayroong Olympic berth.
-
Ads July 7, 2023
-
2,055 na mga Dumagat, tumanggap ng food packs mula sa INC
LUNGSOD NG MALOLOS – Kabilang sa mga donasyon ng religous group na Iglesia ni Cristo nitong nakaraang buwan, may kabuuang 2,055 Dumagat ang tumanggap ng mga food pack sa pamamagitan ng programang “Kumustahan at Talakayan sa IPs sa Doña Remedios Trinidad sa Panahon ng Pandemya” na inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare […]
-
‘Stand by Me: Doraemon 2’, ‘Vivarium’, ‘#WalangForever’, ‘1BR’, and ‘Belle Douleur’ in SM Cinemas This Week
CATCH Stand by Me Doraemon 2, Vivarium, #WalangForever, 1BR, and Belle Doleur now screening this week in select SM Cinema locations. Stand By Me Doraemon 2 is a 3D computer-animated movie based on the manga series of the same name. It follows Nobita who continues his journey from the first film, trying to change […]