• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National bowler, handa na para sa ‘new normal’ na paglalaro

Sinang-ayunan ng ilang mga national bowlers ang ipapatupad na mga pagbabago kapag nasimulan na muli ang mga laro ng bowling sa bansa.

 

Sinabi ni Philippine Bowling Federation secretary-general Olivia “Bong” Coo, na mayroon na silang ginawang mga panuntunan para sa “new normal” na pamamaraan ng paglalaro.

 

Bagamat aminado ito na mahirap ang maglaro ng naka-facemask ay kaniya pa rin itong gagawin dahil ito ang isinasaad sa kanilang panuntunan.

 

Ilan sa mga dito ay ang pagbabawal na magkaroon ng physical contacts ang mga manlalaro.

 

Ang nasabing guidelines aniya ay nabuo sa ginawang onilne meeting sa pamumuno ni PBF board president Steve Robles , PBF chairman Senate President Tito Sotto na isa ring bowler , kabilang ang mga national coaches at advisers.

 

Sinang-ayunan naman ni national bowler Merwin Tan ang nasabing bagong protocols na ipinapatupad.

Other News
  • Bolts hinubaran ng titulo ang SMbeer

    Matapos ang limang sunod na taon ay magkakaroon na ng bagong hari sa PBA Philippine Cup.   Pinatalsik ng No. 5 Meralco ang No. 4 at nagdedepensang San Miguel, 90-68, sa kanilang ‘do-or-die’ game para umabante sa semifinal round kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.   “We know that we’re a deep […]

  • Diaz gusto pang sumabak sa Vietnam SEA Games

    Hindi pa ang Tokyo Olympics ang  huling hirit ni Hidilyn Diaz dahil nangako itong sasabak pa sa 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam sa Nobyembre.     Orihinal sanang magreretiro ang RIo Olympics silver medalist pagkatapos ng Tokyo Olympics kung natuloy ito noong nakaraang taon.     Subalit dahil naurong ang Tokyo Olympics sa Hulyo […]

  • Marcos nakiramay sa pagpanaw ni Pope Benedict

    NAGPAHAYAG ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI nitong bagong taon. Sa mensahe ni Marcos sa kanyang social media, sinabi niya ang matinding pagkalungkot dahil sa nalaman ang pagpanaw ng Pope sa edad na 95 sa kanyang bahay sa Vatican. Nakikiisa umano ang Pilipinas sa pagdarasal para sa […]