• December 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National budget, hindi maaapektuhan ng Maharlika Investment Fund -Balisacan

TINIYAK ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi maaapektuhan ng Maharlika Investment Fund  (MIF) ang national budget para sa fiscal year 2024. 
“To begin with, the total budget is going P5.3 trillion, we are talking only about P135 billion but even that is not part of the budget – these are funds that are not you know used either in Land Bank and DBP [Development Bank of the Philippines] and also remittance of the Central Bank or BSP [Bangko Sentral ng Pilipinas] to the national government ‘no,” ayon kay Balisacan.
“So, relatively it should not have affected the national budget,” dagdag na wika nito.
Sa ulat, ang panukalang  budget para sa susunod na taon ay P5.768 trillion,  9.5%  na mas mataas kumpara sa P5.268 trillion budget ngayong taon.
Sa kabilang dako, ginarantiya naman ni Balisacan sa publiko na hindi gagawa ng mas maraming utang ang Pilipinas dahil sa MIF.
Aniya, ang MIF ay maaaring magsilbi bilang kasangkapan para sa gobyerno ng Pilipinas na makakuha ng mas maraming pondo na maaaring gamitin para tustusan  ang mga proyekto.
“No, it will not happen by design because the fund that we are putting in there are quite, you know, idle funds not funds that being utilized. And what the fund is trying to do is to put those into more productive, higher yielding instruments so that you can earn more from those funds,”  ayon kay Balisacan.
Kamakailan ay nilagdaan na ni Pangulong  Marcos ang MIF, kung saan gagamitin ang state assets para sa investment ventures upang makakalap ng karagdagang public funds.
Pinirmahan ang Republic Act No. 11954 sa kabila ng ilang pagkabahala sa panukala, kung saan pinuna ng ilang mam­babatas ang ilang hindi pagkaka­tugma sa MIF bill maging ang hindi malinaw na mga probisyon.
Inaasahang isasama ni Marcos sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang tungkol sa nilagdaang batas.
Ang pondo ay isang mahalagang bahagi ng Medium-Term Fiscal Framework ng administrasyong Marcos, 8-Point Socioeconomic Agenda at Philippine Deve­lopment Plan 2023-2028.
Matatandaan na ang MIF ay suma­ilalim sa matinding batikos ng ilang mam­babatas na nag-aalala na ang mga pampublikong pondo ay maaaring magamit sa hindi tama at malugi. (Daris Jose)
Other News
  • Here’s everything you need to know before watching “Dune: Part Two” on February 28

    Haven’t gotten around to watching the first Dune? Warner Bros. has just released a “catch-up video” to get you up to speed before watching Dune: Part Two, the highly anticipated big-screen, epic adventure of the year.  Catch up in under two minutes here: https://youtu.be/74MYxtaZN6U Tickets to Dune: Part Two are also available now. Don’t miss […]

  • Ilang players ng Gilas Pilipinas posibleng ‘di makapaglaro dahil sa injury

    Nahaharap ngayon sa pagsubok ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia dahil sa pagkakaroon ng injury ni Dwight Ramos.     Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin na mayroong groin strain injur si Ramos na kaniyang natamo sa third window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers. […]

  • Sara Duterte nagbitiw sa ‘Hugpong’ sumali sa partidong Lakas- CMD

    Ilang araw bago ang deadline ng election substitution sa ika-15 ng Nobyembre, naghain na ng kanyang resignation si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio mula sa kanilang regional party na Hugpong ng Pagbabago (HNP).     Kinumpirma ng HNP ang balita sa pamamagitan ng kanilang secretary general na si Anthony del Rosario sa isang pahayag, Huwebes. […]