National ID System nakikitang makakatulong sa rollout ng COVID-19 vaccine sa Phl
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
Nakikita ng isang kongresista na makakatulong ang national ID system para sa maayos na rollout ng COVID-19 vaccine sa oras na maging available na ito sa Pilipinas.
Ayon kay San Jose Del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes, maaring gamitin ng pamahalaan ang biometric technology ng national ID system para matiyak na matatanggap ng mga nasa priority group na tinukoy ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang inisyal na supply ng COVID-19 vaccine.
Bukod sa pagtukoy sa mga priority patients, sinabi ni Robes na makakatulong din ang paggamit ng national ID system bilang biometric ID sa pag-track sa mga naturukan ng bakuna kahit pa sa mga rural areas at offline setting.
Sa ngayon, ginagamit na aniya sa 12 bansa ang biometric ID na itinuturing “game changer” dahil sa epektibo ito pagdating sa health at humanitarian projects.
Aabot sa 12 vulnerable groups ang tinukoy ng IATF-EID na prayoridad sa rollout ng bakuna base sa guidelines na inilabas ng World Health Organization Strategic Advisory Group of Experts on Immunization.
Ang mga ito ay mga frontline health workers sa pribado at pampublikong sektor, mga senior citizens, indigent population at uniformed personnel.
Kasam rin ang mga guro at school workers sa mga pampubliko at pribadong institusyon, government workers, essential workers sa agriculture, food industry, transportation at tourism, socio-demographic groups gaya ng mga people deprived of liberty, People with Disability (PWDs) at Filipinos living sa mga high density areas, Overseas Filipino Workers, at iba pang mga manggagawa at estudyante.
-
Vhong Navarro, pinayagan nang magpiyansa sa halagang P1 milyon
PINAYAGAN nang makapagpiyansa ng Taguig City Regional Trial Court para sa kanyang pansamantalang paglaya ang aktor at TV host na si Vhong Navarro, kaugnay ng kinakaharap na kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo. “Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his […]
-
Pagbalik muli ng ‘NCR Plus’ bubble, iminungkahi ng OCTA vs Delta variant
Naniniwala ang OCTA Research Group na ang pagpapatupad muli ng “NCR (National Capital Region) Plus” bubble sa Metro Manila at karatig probinsiya ay malaking tulong para maprotektahan ang mga lugar sa pagkalat ng Delta variant ng Coronavirus Disease 2019. Ito’y habang patuloy na nakabukas ang ekonomiya ng bansa. Una nang nagbabala ang Department […]
-
‘Wag ninyo akong gawing punching bag! – Sara
Binanatan ni Davao City Mayor Sara Duterte si Senator Koko Pimentel at Ronwald Musayac, executive director ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), dahil sa diumano’y paninisi sa kanya sa pagkakawatak ng partido. Sinabi ni Sara na hindi siya isang ‘Last Two Minutes’ person at hindi siya papayag na maging isang political punching bag […]