National IDs ‘di tinatanggap na pruweba sa government offices
- Published on March 2, 2024
- by @peoplesbalita
WALA umanong silbi ang PhilSys ID o ang national ID dahil hindi ito tinatanggap na pruweba ng pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang mga opisina dahil umano sa kakulangan ng lagda.
“Without a specimen signature on it, the Philippine National ID has apparently been rendered useless as a proof of identity for its owner because it does not bear the holder’s signature,” ayon kay Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.
Sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ay isa sa may-akda ng Republic Act (RA) 11055 o ang PhilSys, anim na taon na simula ng maisabatas ito pero hanggang ngayon ay marami pa rin ang naghihintay ng kanilang ID.
Bagaman may multa ang mga hindi kikilalanin ang national ID, ipinunto nito na ang simpleng sagabal sa missing na lagda ‘di tulad ng iba pang mga valid IDs gaya ng passports, driver’s license at iba pa ang sanhi kung bakit nawawalan ng silbi ang PhilSys ID.
Sa ilalim ng RA 11055 na naisabatas noong Agosto 8, 2018 ang PhilSys national ID ay magsisilbing valid identification na maaring gamitin sa transaksiyon sa negosyo sa gobyerno at maging sa pribadong sektor.
-
Gilas Pilipinas natuldukan ang ’33-year reign’ matapos payukuin ng Indonesia
BIGONG madepensahan ng Gilas Pilipinas ang kanilang korona matapos masilat ng bansang Indonesia sa 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam. Natalo ang Gilas sa score na 85-81 sa larong isinagawa sa Thanh Trì District Sporting Hall. Dahil dito, natuldukan na ang streak ng bansa na 13-consecutive gold medals sa […]
-
AMA, GINAWANG PARAUSAN ANG ANAK, KULONG
KULONG ang isang padre de pamilya nang nabuking na ginagawang parausan ang kanyang 11 taon gulang na anak sa Sta.Ana, Maynila. Kasong Qualified Rape sa ilalim ng Article 266-A par 1 ng Revised Penal Code ng Republic Act 8353 at Sexual Assault na inamiyendahan sa Article 8353 na may ugnayan s Section […]
-
Pag-apruba na maamyendahan ang Oil Deregulation Law, malabo sa ilalim ng termino ni PDu30
MALABONG maaprubahan ang panukalang amiyendahan ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang katwiran ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. magiging abala na kasi ang mga mambabatas sa mga election-related activities kahit pa matapos na ang halalan sa May 9 at wala ng […]