• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National Privacy Commission, suportado ang SIM card registration bill

SUPORTADO  ng National Privacy Commission (NPC) ang rekomendasyong pagpapasa ng SIM Card registration bill sa bansa na tanging lagda na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinihintay.

 

 

Sa isang statement ay sinabi ng komisyon na ito ay upang maiwasan ang paglaganap ng iba’t-ibang uri ng kriminalidad na isinasagawa sa pamamagitan ng electronic communication.

 

 

Ayon sa NPC, batid nito na talagang kakailanganin ng malakihang koleksyon ng personal data sa pagpapatupad ng SIM card registration system dahilan kung bakit anila kinakailagan talaga ang pagkakaroon ng technology-neutral approach at future-proof na proposed legistlation upang makamit ang layunin nito sa paraang pinapanatili pa rin ang paggalang sa mga karapatan at kalayaan ng mga data subjects.

 

 

Dagdag pa ng ahensiya, hindi dapat na mapunta pa sa mga retailer ang pasanin nang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga SIM card buyer lalo na’t wala naman itong kaalaman o maayos na mapagkukunan ng datos para ma-verify ang identity ng data subjects at authenticity ng identification cards na ipapakita nito.

 

 

Ito ay dahil sa posible anilang magresulta lamang sa overcollection at hindi wasto o hindi sapat na monitoring at security practices, bagay na pinagtibay naman ng Section 5 ng naturang Bill.

 

 

Bukod dito ay sinabi rin ng NPC na hindi rin nito hinihikayat ang paggamit ng centralized server o database dahil naman sa posibilidad na magdulot ito ng malaking panganib sa oras na may mangyaring security breach dito.

 

 

Pinagtibay naman ito ng Section 6 ng naturang Bill na nag-aatas naman sa mga ahensya ng gobyerno o public telecommunications entities (PTES) na panatilihin ang paggamit ng kanilang database sa pagpo-proseso, activate, deactivate o subscription ng mga SIM card.

 

 

Samantala, sa ngayon ay inaasahan nang malalagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naturang bill matapos itong ipasa ng dalawang chamber ng Kongreso.

 

 

Habang tiniyak naman ng privacy commission na mahigpit din itong nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno para naman sa pagbuo ng mga guidelines sa pagpapatupad ng panukalang batas sakaling maaprubahan na ito ng punong ehekutibo.

Other News
  • Malaki rin ang pasasalamat kay Mother Lily… ICE, proud na proud sa parangal na natanggap ni LIZA sa Luna Awards

    PROUD na proud na ibinahagi ni Acoustic Icon Ice Seguerra sa kanyang Facebook account ang parangal na natanggap ng loving wifey at dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño.         Kasama ang larawan na kuha awards night na kung saan pinarangalan si Liza ng FPJ […]

  • Valenzuela police, magkakaroon na ng mga bagong electric police vehicles

    MAGKAKAROON na ng mga bagong electric police vehicles ang Valenzuela City Police Station (VCPS), kasunod ng isinagawang ceremonial signing para sa partnership agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at ACMobility upang ilunsad ang “Go Green Valenzuela”.       Inihayag ng lungsod na ang 41 electric police cars na gagamitin ng VCPS ay […]

  • Kasunduan sa pagitan ng Pinas at China, makalilikha ng mas maraming IT-based jobs para sa mga Pinoy

    UMAASA ang  top diplomat ng Pilipinas sa  China na ang kamakailan lamang na bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ay makalilikha ng mas maraming job opportunities para sa mga  Filipino customer service providers.     Sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan na naglalayong payagan ang mga Filipino na […]