• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nationwide earthquake drill sa ‘Big One’ ikinasa sa Marso 9

BILANG paghahanda sa posibleng ‘Big One’ na tatama sa bansa, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na isasagawa sa Marso 9 ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

 

 

Ayon kay OCD Joint Information Center head Diego Mariano, ang pagsasagawa ng quarterly nationwide earthquake drill ay paghahanda sa publiko sa posibleng malakas na lindol.

 

 

Paliwanag ni Mariano, magkakaroon ng ceremonial sounding ng buzzer kung saan magiging signal para tayo ay mag-conduct ng duck, cover, and hold.

 

 

Aniya, simpleng protocol lamang ito subalit  makapagliligtas at mababawasan ang aksidente sakaling tumama ang  lindol partikular ang ‘The Big One’.

 

 

Giit ni Mariano, kailangan lamang na alalahanin ng bawat isa ang steps o protocols sakaling magkaroon ng lindol.

 

 

Kabilang na dito ang pagiging kalmado, pagsasagawa ng ‘Duck, Cover and Hold’; lumayo sa mga bintana, salamin o mabibigat na bagay  na maaaring bumagsak at sakaling wala nang pagyanig maaring lumabas ng gusali ng mahinahon at pumuwesto sa open space.

 

 

Magbibigay din ito ng dagdag kaalaman at paghahanda sa iba’t ibang sangay ng mga rescue teams.

 

 

Dagdag pa ni Mariano dapat na maging alerto ang bawat isa upang hindi maranasan ang 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria.

Other News
  • Naiisip din na meron at merong papalit sa kanya: OGIE, ilang taong dumaan sa pagsubok pero nalampasan

    KUNG si Ogie Alcasid ang tatanungin ay gusto lang daw niya noon na maging host ng ‘It’s Showtime’.   Matatandaang nagsimula lang bilang isa sa mga hurado ang singer-songwriter para sa Tawag Ng Tanghalan segment ng programa noong 2017.   Kasagsagan pa noon ng pandemic noong 2021 nang maging opisyal na host ng naturang noontime […]

  • Kaugnay ng Semana Santa… Mahigit 2,000 personnel, idedeploy ng MMDA sa major roads ng MM

    MAHIGIT 2,000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipapakalat sa mga pangunahing lansangan at mga hub ng transportasyon sa Semana Santa.     Ayon kay MMDA spokesperson Mel Carunungan, may kabuuang bilang na 2,104 na mga personnel ang magmomonitor ng mga major roads sa Metro Manila.     Partikular na sa mga lugar […]

  • DOJ Sec. Guevarra nirerespeto ang privacy sa nagbitiw na si Perete

    NIRERESPETO ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang hiling privacy ni DOJ spokesperson Undersecretary Markk Perete ng ito ay nagbitiw.   Sinabi nito na isinumite niya mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang resignation dahil sa siya ay Presidential appointees.   Ayon sa kalihim na naging personal ang rason ni Perete sa kaniyang […]