Nationwide fare discount sa PUVs, simula na sa Abril
- Published on March 18, 2023
- by @peoplesbalita
IPATUTUPAD na simula sa Abril ang fare discount para sa mga public utility vehicles (PUVs), hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi maging sa ilang piling ruta nationwide.
“Sa buong bansa po natin ito ipapatupad sa mga piling ruta sa siyudad na may pinakamaraming bilang po ng mga pasahero kagaya po ng nabanggit at alinsunod sa 2023 GAA provisions namin,” ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Mark Steven Pastor.
Sinabi ni Pastor na makikipagtulungan sila sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta na magiging bahagi ng programa.
Aniya pa, maaaring magtagal ang naturang PUV fare discount sa loob lamang ng anim na buwan bunsod na rin ng limitadong budget na P1.285 bilyon sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA) at P875 milyon sa ilalim ng unprogrammed funds.
Matatandaang sinabi ng DOTr na ang PUV fare discount ay isinusulong bilang kapalit ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, na nagtapos na noong Disyembre 31, 2022.
Sa ilalim ng programa, ang DOTr ang magbabayad sa PUV drivers at operators kada linggo o ikalawang linggo.
Layunin nitong maibalik sa P9 ang pasahe sa tradisyunal na jeepneys, o pareho ng presyo bago tumama ang pandemic at bago ipatupad ang taas pasahe.
Ang pasahe naman sa modernized jeepneys ay magiging P11 mula sa P14 habang ang pasahe sa bus ay mababawasan ng P3 hanggang P4.
Pinag-aaralan pa naman ang pasahe para sa UV Express. (Daris Jose)
-
Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner
PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng […]
-
HEART, nagbuhay-reyna habang nagbabakasyon sila sa Amerika dahil kay Gov. CHIZ
FINALE week na simula ngayong gabi (January 3) ng GMA Primetime series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Sid Lucero, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie at Jaclyn Jose. Kaya excited na ang mga televiewers na malaman kung paano magwawakas ang serye na dinirek ni Dominic Zapata. Nagkaroon kasi […]
-
Increase sa DOH budget, aprub kay Bong Go
NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go na palakasin pa ang healthcare system sa public hearing ukol sa panukalang 2023 budget ng Department of Health noong Lunes. Sa pagdinig, binigyang-diin ni Go, chair ng committee on health and demography, ang kahalagahan ng 2023 budget ng DOH para sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya […]